ALMAZAN MALABO SA GAME 4? MERALCO DELIKADO

Raymond Almazan

WALA pang resulta ang isinagawang test kay Meralco big man Raymond Almazan, na na-injured ilang minuto pa lang sa unang bahagi ng Game 3 konta Ginebra noong Linggo.

Kaya wala pang katiyakan kung makapaglalaro ang 6-foot-8 center bukas (Miyerkoles) sa Araneta Coli-seum.

Ang sigurado, delikado ang Meralco kung hindi makababalik sa Game 4 at 5 ang ka-nilang alas na si Almazan sa 2019 Governors’ Cup Finals.

Alanganing bumagsak si Almazan anim na minuto pa lamang sa first quarter ng Game 3 sa pagitan ng Bolts at Gin Kings.

Agad siyang isinugod sa Makati Medical Center para sa MRI test ngunit hanggang ngayon ay wala pang malinaw na resultang inilalabas tungkol sa kalagayan ni Alma-zan.

Sa kabila nang nangyari, nananatiling positibo si Bolts head coach Norman Black.

“I’ll try to be as positive as possible, and hopefully he’ll be okay,” wika niya.

Ngunit hindi niya rin naiwasang mag-alala para sa kanyang key player.

“But from being a player myself, having a swollen knee in the middle of a champion-ship series is not something you can just bounce back from that easily,” pag-amin ni Black.

Samantala, dahil sa maagang pag-exit sa game ni Almazan ay nag-‘fiesta’ ang Gin Kings at dinomina ang Bolts, 92-84, para kuning muli ang bentahe sa kanilang finals best-of-seven series, 2-1.

Naka-una ang Ginebra sa serye ngunit agad nakabalikwas ang Meralco at itinabla ang serye noong Biyernes.

Gayunpaman, kinatigan ng swerte ang Gins nang ma-injured si Almazan at magaang na tinalo ang Bolts para muling lumamang sa serye.

290

Related posts

Leave a Comment