ATHLETICS: OBIENA TATALON SA ASIAN CHAMPIONSHIPS

SISIMULAN ni Tokyo Olympian pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena ang 2023 sa pagsabak sa Asian Indoor Athletics Championships na gaganapin sa Pebrero 10-12 sa Nur Sultan, Kazakhstan.

Si Obiena, bronze medalist sa World ­Championships noong Setyembre 2022 kung saan nagtala rin siya ng bagong Asian record na 5.94 meters, ay sasabak din sa 32nd Cambodia Southeast Asian Games at 19th Asian Games sa China ngayong taon.

Makakasama ni Obiena sa national team na lalaban sa Kazakhstan sina Olympian sprinters Eric Cray at Kristina Knott, at Southeast Asian Games shot put champion William Morrison.

Kabilang din sina Janry Ubas (long jump); Leonard Grospe (high jump); Mark Harry Diones (triple jump); Mariano Masano (800m); John Cabang, Jelly Paragile at Melissa Escoton (60m hurdles); Sarah Dequinan at Alexei Caimoso (pentathlon); Natalie Uy at Hokett Delos Santos (pole vault); Michael del Prado at Edwin Giron (4x400m relay). (ANN ENCARNACION)

33

Related posts

Leave a Comment