SWAK ang Ceres Negros FC sa susunod na round ng 2020 AFC Champions League qualifying playoffs matapos talunin ang Shan United FC, 3-2, Martes ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.
Umabante ang Busmen sa preliminary round two ng playoffs kasunod ng paggapi sa koponan mula sa Myanmar.
Susunod na haharapin ng Ceres ang Port mula sa Thailand at nangangailangan ng dalawa pang panalo para makakuha ng pwesto sa group stage.
Umiskor si Robert Lopez sa fifth minute at sinundan ni Spanish striker Bienvenido Maranon tungo sa 2-0 lead ng Ceres sa 40th minute.
Nagawang makahirit ng goal si Yakubu Abudbakar sa 78th para sa Shan United.
Sumagot si OL Porteria ng isa pang goal para sa 3-1 abante ng Busmen.
Nagawang dumikit ng Myanmar team nang humirit si Djedje Maximin Djawa ng goal sa 87th minute.
Mula dito ay pinigilan na ng Ceres ang kalaban upang mapreserba ang panalo.
Ang Ceres at Port FC ay maghaharap sa Enero 21 sa PAT Stadium sa Thailand. (VT ROMANO)
295