KD, NETS WINALIS NG CELTICS

TAMAD sa depensa, maagang na-foul trouble at walang ­maisagot sa bawat ibato ng Boston Celtics. Resulta: Sweep (4-0)!

Tuluyan nang pinagbakasyon ng mas determinadong ­Celtics ang Brooklyn Nets, 116-112, (Martes sa Manila) sa New York.

Dahil sa naging resulta ng kampanya ng Nets, maraming dapat pag-usapan ang koponan sa offseason.

Bagama’t marami ang umasa, hindi lumaro si Ben Simmons, 24 oras bago ang tip off ng Game 4, wala sa Barclays Center ang player.

Ayon sa ulat, maaga pa ng Lunes, si Simmons, agent niyang si Rich Paul at ang Nets ay mag-uusap hinggil sa future ng player.

Sa kabuuan ng best-of-seven first-round playoff series ay tila absent si Kevin Durant. Pero ­muling nakita ang pagka-agresibo niya sa Game 4 at nagawang mapaikot ang bola, ngunit hindi naging sapat dahil wala siyang suporta mula sa mga kasama.

Tumapos si Durant na may 39 points, seven rebounds at nine assists, kasunod ng 11 shots lang sa Game 3.

Ipinagpatuloy ang pambubulabog kay Durant at sa buong Nets, umiskor si Celtics’ Jayson Tatum ng 29 points, kahit na-foul out sa nalalabing 2:48 ng laro.

Nangamote naman si Kyrie Irving at hindi nakapagbigay ng suporta kay Durant. Tumapos na may 20 puntos, si Irving ay may player option na $36.9 million ngayong offseason at nakaamba ang ‘long-term’ extension.

Ang part-time status ni Irving ngayong season ay malaking bagay sa Nets matapos na lumaro lamang siya ng 33 games sanhi ng pagtangging magpa-anti-COVID-19 vaccine.

Idagdag pa sa pagtatapos ng ‘failed’ season ng Nets ang rekord ni Nic Claxton, nag­mintis sa unang 10 free throws sa laro at nilampasan si Shaquille O’Neal

sa NBA record books na pinaka­maraming ‘missed’ free throws.

Ang record ni O’Neal ay walong sunod na sablay sa stripe sa pagsisimula ng 2006 playoff season. Tumabla si Claxton nang mailista niya ang ikawalo sa third quarter, habang angat ang Boston 65-56. At nadagdagan ng dalawa pa para siya na ang maging bagong record holder.

JAZZ DINIKDIK
NG MAVS

PINASAYA ni Luka Doncic ang fans sa kanyang first home playoff game pagkagaling sa calf injury at nilamutak ng Mavericks ang Utah Jazz, 102-77.

Ang 22-year-old Dallas super­star ay kumayod ng 33 points at 13 rebounds kahit naibalibag pa sa court mula sa hard foul na ­nagresulta sa pagkaka-eject sa laro ni Hassan Whiteside, at kinuha ng Mavs ang 3-2 lead ng first-round series.

Nag-debut si Doncic sa series sa Game 4 sa Utah, nang umiskor ang Jazz ng huling five points sa final 31 seconds tungo sa one-point win para itabla ang serye. Hindi hinayaan ni Doncic na maulit iyon sa Game 5.

”For his second game, it looks like he’s been playing this whole series,” pahayag ni Dallas coach Jason Kidd.”His conditioning, his effort on the defensive end. As we talk about rebounding, he’s one of the best for us and he did that tonight.”

Si Utah’s Donovan Mitchell, naga-average ng 30 points sa first four games, ay nalimitahan sa nine points at mintis lahat ng kanyang pitong 3-pointers, bago niliban ang laro sa fourth quarter sanhi ng left hamstring injury. Nakatakda siyang magpa-MRI sa Martes.

Sa Salt Lake City gagawin ang Game 6, at babawi ang Jazz sa kanilang teritoryo, bagama’t may 18% lang ang tsansa ng mga team na magwagi sa serye kasunod ng fifth game loss.

BACK-TO-BACK
RAPTORS WIN

SA mismong teritoryo sa New York nilampaso ng Toronto Raptors ang Philadelphia 76ers upang panatilihing buhay ang tsansa sa series matapos magtala ng 103-88 win.

Talo ang Raptors sa unang tatlong laro ng series pero ngayon ay isang panalo pa at tatabla na sila sa mas paboritong manalo sa serye na 76ers.

Natameme sina Sixers star James Harden, 15 points lang at Tyrese Maxey, 12 points, nang pangunahan ni Pascal Siakam ang Toronto sa kanyang 23 points habang nagdagdag sina O.G. Anunoby at Gary Trent Jr. ng tig-16 points.

Kumpiyansa ang Raptors, bumangon mula sa 0-3 deficit, dahil babalik ang serye sa Canada sa Huwebes para sa Game Six. Wala pang koponan buhat sa 0-3 deficit ang nanalo sa NBA playoff series.

111

Related posts

Leave a Comment