KNICKS MULING HINIYA NG HAWKS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO

SA kanyang unang laro sa ­Madison Square Garden mula sa last season’s playoffs, umiskor si Trae Young ng 45 points at may eight assists at inihatag sa Atlanta Hawks ang 117-111 victory kontra New York Knicks, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila).

Sinet-up din niya si Bogdan Bogdanovic sa go-ahead three, kasunod ang pasa kay De’Andre Hunter para sa jumper para isara ang 10-0 spurt at gawing 113-105 ang iskor, 1:04 na lang.

Nagdagdag si Bogdanovic ng season-high 32 points para sa Hawks, nilaglag ang Knicks (30-42) ng anim na laro para sa 10th place sa Eastern Conference, ang final spot sa play-in field.

May 28 points at 13 rebounds si RJ Barrett para sa ikawalong talo sa season sa huling siyam na laro. Ang tanging winning rekord ng NY nang magtala ng 41-31 last season at angkinin ang No. 4 seed sa East.

Kung matatandaan, sa nasabing playoffs, nagbida si Young sa kanyang first postseason series, binalewala ang negatibong kantiyaw ng fans, at sa bandang huli, talunin ang Knicks, at bago matapos ang Game 5, pumagitna siya sa court at nag-bow sa crowd.

Hindi nakalaro si Young sa Christmas game sa MSG, sanhi ng NBA’s health and safety protocols.

Sa tuwing hahawak ng bola nitong Martes, nakakarinig si Young ng pambu-‘boo’ pero hindi naman nagtagal. Na-overcome naman niya ang malamyang simula at nagtala ng 13-of-25 shots (floor), kasama ang 7-of-15 3-pointers at career-high din niya ang puntos sa MSG mula sa huling 42-point noong Disyembre 17, 2019.

Abante ng 10 ang New York, maaga pa sa fourth quarter, nang magbaon si Young ng 3-pointer at itabla ang iskor, 105-105, 2:54 sa laro.

Sinet-up din niya si Bogdan Bogdanovic sa go-ahead three, kasunod ang pasa kay De’Andre Hunter para sa jumper para isara ang 10-0 spurt at gawing 113-105 ang iskor, 1:04 na lang.

Si Alec Burks ay may 21 points sa Knicks. Wala si Julius Randle sanhi ng sore right quad­riceps tendon.

Nagawang lumamang ng Knicks sa first quarter, 34-30. Na-extend ito ng Knicks sa 12 points sa second, bago umalagwa ang Hawks at umabante ng siyam at iposte ang 64-58 lead sa halftime, kung saan may 15 points si Bogdanovic at 13 kay Young.

BULLS BUTATA
SA BUCKS

NAITALA ng host Milwaukee Bucks ang 126-98 win kontra Chicago Bulls.

Umiskor si Jrue Holiday ng game-high 27 points para sa ikapitong sunod na home win ng Bucks at ikatlong beses laban sa Chicago ngayong season.

May seven assists din si Holiday at 12-for-17 field goal para pangunahan ang Bucks kontra sa division rival Bulls.

Nagsumite naman si Giannis Antetokounmpo ng 25 points at 17 rebounds sa kanyang third straight double-double, habang si reserve Pat Connaughton, may 14 points.

Halos walang mali ang Milwaukee, tinapos ang larong may second-highest field goal ­percentage (61%) sa season.

May team-high 22 points at seven rebounds mula sa 9-of-15 shooting si Nikola Vucevic para sa Chicago. Habang sina DeMar DeRozan at Zach LaVine nag-contribute ng tig-21 puntos at off-the-bench, seven points mula kay Ayo Dosunmu.

Nailista ng Bucks ang 55% field goal (22-of-40) sa first half at 16-point lead sa half. Umabante pa ang Milwaukee hanggang 26 points, pero nagawang maibaba ng Bulls buhat sa 10-0 run sa ­second quarter.

May double-double si Antetokounmpo sa first half, 14 points at 11 rebounds. Nagdagdag si Brook Lopez ng 10 points at nine kay Connaughton.

Dinomina rin ng Milwaukee ang rebounds, 28 kontra sa 16 ng Chicago.

Nakadikit ang Bulls sa 10 sa third quarter, pero rumesponde ang Milwaukee, para i-extend ang lead sa 22 puntos sa fourth. Sa kabila nito, nagawa pa ring makapuntos ng 12 ni DeRozan sa nasabing quarter.

Agad kumulekta si Antetokounmpo ng 10 points at five rebounds sa first quarter. Walo roon galing sa 13-0 run sa final 3:17 tungo sa maagang 33-20 lead ng Bucks.

WARRIORS
PINAYUKO NG MAGIC

TATLONG free throws sa huling 12.2 segundo at dunk mula sa inbound play ang kinana ni Franz Wagner, nang talunin ng Orlando Magic ang Golden State Warriors, 94-90 sa Florida.

Ang 3-pointer ni Mo Bamba, 52 seconds sa laro, ang nagbigay sa Orlando ng 89-88 lead.

Nanguna sa Magic si Wendell Carter Jr., 19 points, habang may 18 puntos si Wagner.

Dahil sa pagkatalo ng Warriors, ang NBA-leading Phoenix Suns (58-14) ang kumuha ng first place sa Pacific Division.

Habang ang Orlando ay umiskor ng 29-16 sa fourth quarter, mintis naman ang Golden State sa 14-of-21 field goal attempts sa ikatlong sunod na kabiguan.

Mula sa 13-0 run, naidikit ng Orlando ang iskor sa 79-78 mula kay Garry Harris, 6:29 pa.

Nagtala si Cole Anthony ng 14 points, five rebounds at five assists at tinulungan ang Orlando sa 3-3 sa season-long six-game homestand.

Si Jordan Poole naman, iniskor ang 12 ng kanyang game-high 26 points sa third quarter ay may six assists, habang si Otto Porter Jr., nag-ambag ng 14 points at 15 rebounds (off the bench) sa pagsisimula ng five-game road trip ng Warriors.

Nagbaon si Klay Thompson ng dalawang 3-pointers at may total 15 points para sa Warriors. Wala sa lineup sa ikalawang pagkakataon si star guard Stephen Curry sanhi ng sprained left foot.

Samantala, nagtala ang Denver Nuggets ng 127-115 win kontra Los Angeles Clippers.

107

Related posts

Leave a Comment