MABILIS NA KAMAO NI BRONER PINAGHAHANDAAN NI PACMAN

pacman

(Ni FRANCIS ATALIA)

ISA sa nakikitang malaking hamon ni Senador Manny Pacquiao sa laban niya kay Adrien Broner ay ang mabilis na kamao nito bukod sa pagiging mahusay na boksingero.

Ito ngayon ang pinaghahandaan ng Fighting Senator sa kanyang laban sa Enero 20.

“Adrien Broner is fast with his hands and he’s overall a good boxer. This is a big challenge that I’m excited for. Me, Freddie and Buboy know each other well and we have a great coaching staff right now. I’m happy with how everything has gone in training for this fight,” wika ni Pacquiao.

Alam din ng Pambansang Kamao na tutok sa kanyang ensayo ang 29-year-old four division world champion at seryoso ito sa kanilang pagtutuos.

Kaya naman ibubuhos umano ni Pacman ang lahat para madepensahan ang itataya niyang WBA “regular” welterweight belt.

5

Related posts

Leave a Comment