MAROONS NAKABWELO, BULLDOGS BABALIKWAS

SASAMANTALAHIN ang nakuhang momentum sa panalo ng UP Maroons, habang ­pipiliting makabawi sa talo ng NU Bulldogs, sa paghaharap ng dalawang team ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Nakatakda ang laban ng Maroons at Bulldogs, na parehong may 1-1 win-loss record, sa alas-4 ng hapon.

Sumampa sa win-column nitong Martes ang Fighting Maroons matapos idemolis ang University of Santo Tomas Growling Tigers, 98-82.

Pinamunuan ni Ricci ­Ri­v­ero ang UP sa kanyang 19 points, tatlong rebounds, at tig-­dalawang assist at steal. ­Nagdagdag naman ng tig-11 points at walong rebounds sina Xavier Lucero at Carl Tamayo.

Inalat naman ang NU sa kamay ng De La Salle Green Archers, 55-59. Tanging si Michael Malonzo ang naka-double figure (10 points) para sa Bulldogs.

Bago ang inaabangang tapatan ng NU at UP, mauuna sa quadruple-header ang games sa pagitan ng defending champion Ateneo (2-0) at Adamson (1-1) sa alas-10 ng umaga, at Far Eastern University (1-1) at DLSU (2-0) sa ala-1 ng tanghali.

Tiyak na kapwa mag-o-all out naman ang parehong wala pang panalo sa dalawang laro na University of the East at UST sa main game sa alas-7 ng gabi. (ANN ENCARNACION)

129

Related posts

Leave a Comment