MAVS ‘DI KINAYA NG JAZZ

KUMAMADA sina Luka Doncic at Jalen Brunson ng tig-24 points at ­nanaig ang Dallas ­Mavericks kontra Utah Jazz, 98-96, upang tapusin sa Game 6 ang kanilang first-round series sa Salt Lake City.

Matapos kumonekta ang tres ni Brunson, natawagan si Utah’s Mike ­Conley ng traveling violation sa nalalabing limang segundo. Kasunod nito, naipasok ni Brunson ang isa sa two free throws, 4.3 na lang sa laro.

Nakakita ang Jazz ng butas ngunit sumablay ang tira ni Bojan Bogdanovic, kaya’t bibiyahe sa susunod na round ang Mavericks upang harapin ang top-seeded Phoenix.

Mayroon din si Doncic na nine rebounds, eight assists, two blocks at two steals para sa Mavs, habang si Spencer Dinwiddie ay may 19 at 18 mula kay Dorian Finney-Smith.

Nagtala si Donovan Mitchell ng 23 points, nine assists at eight rebounds para sa Utah, habang tumapos si Bogdanovic na may 19 points.

Ngayon lang nakalusot ang Mavericks sa first round simula noong 2011, nang hablutin nito ang NBA championship.

Ang tres ni Finney-Smith ang nagbigay sa Mavericks ng kanilang largest lead, 88-80, bago gumanti ang Jazz ng eight straight points mula sa hustle plays nina Mitchell at Rudy Gobert.

135

Related posts

Leave a Comment