HUMIHINGA pa ang Denver Nuggets matapos hablutin ang 126-121 win kontra Golden State Warriors.
Umiskor si Nikola Jokic ng 37 points at nakaiwas ang Nuggets na mawalis sa NBA first-round playoffs series, Linggo ng gabi sa Ball Arena sa Denver (Lunes sa Manila).
Humablot din ang 27-year-old Serbian big man, NBA Most Valuable Player sa nakaraang season at posibleng mag-back-to-back ngayon, ng eight rebounds at six assists at dumikit sa 3-1 sa kanilang best-of-seven series at nakahirit ng Game 5 sa Miyerkoles sa San Francisco.
“We put up the fight,” lahad ni Jokic. “We didn’t want to get swept. We have more pride in ourselves.”
Makaraan ang long jumper ni Stephen Curry at naglagay sa Golden State sa 121-119 lead, 1:21 sa laro, nakapag-layup si Jokic, may go-ahead jumper si Monte Morris sa natitirang 33 seconds at matapos makaagaw ni Austin Rivers, ipinasa ni Jokic kay Will Barton ang deciding corner 3-pointer, 8.3 seconds na lang.
“I was just trying to attack and I just saw the pass in the corner,” ani Jokic.
Wala pang koponan sa NBA history ang nakabalikwas mula sa 3-0 deficit na nagwagi sa playoff series, ngunit ayon kay Jokic, “Nuggets have the spirit to make history.”
“That’s what we have, just fight,” aniya pa. “We’ve really got our second wind so why not?”
Nagtala naman si Morris ng 24 points at si Aaron Gordon 21 para sa Denver.
Naglista naman si Curry ng 33 points off the bench para sa Golden State, habang si Klay Thompson may 32 sa kanyang unang 30-point playoff game mula noong 2019 NBA Finals.
Isang layup ni Curry, nag-dunk si Andrew Wiggins at may jumper si Thompson tungo sa 115-112 count, sa huling 3:32 ng laro.
Sumagot naman si Jokic ng baseline jumper, pero nakakuha si Curry ng dalawang free throws at dunk muli kay Wiggins, 2:28 na lang at idinikit ang Golden State sa 117-116.
A Curry layup, Andrew Wiggins dunk and Thompson jumper pulled the Warriors within 115-112 with 3:32 remaining. Jokic answered with a baseline jumper but Curry made two free throws and Wiggins jammed in a dunk with 2:28 to play to pull Golden State within 117-116.
Sumalaksak si Gordon ng two free throws para dagdagan ang abante ng Denver, muling umiskor si Curry buhat sa driving layup at nagdagdag pa ng free throw at naitabla ang iskor sa 119-119, 1:47 sa orasan, nagdala sa laro sa mas kapana-panabik na pagtatapos.
BULLS LALONG BINAON NG BUCKS
NAGTALA si Giannis Antetokounmpo ng game highs 32 points at 17 rebounds upang pangunahan ang defending champion Milwaukee Bucks laban sa Bulls, 119-95 sa United Center sa Chicago.
Mayroon din seven assists at two blocks ang Greek star sa Bucks, hawak ngayon ang 3-1 lead sa best-of-seven series, na magpapatuloy sa Miyerkoles sa Milwaukee kung saan maaari nang tapusin ang serye.
Si Bucks reserve Grayson Allen ay nag-ambag ng career playoff high 27 points (10-of-12 shooting), 6-of-7 sa 3-point range, habang si Jrue Holiday, 26 points at 14 points naman kay Bobby Portis.
“I’ve got to trust my teammates,” wika ni Antetokounmpo. “They know what the deal is. They can all make plays. The games become easy when you move the ball.”
Ang Bulls, wala pang naipanalong home playoff game mula 2015, ay pinangunahan ni Zach LaVine, 24 points at 13 assists, habang si DeMar DeRozan, 23 points.
Mayroon lamang 38.9% shooting (floor) ang Chicago, na ayon kay Antetokounmpo ay dahil sa mahigpit nilang depensa.
“We’ve got to keep up our defense,” dagdag niya. “We’ve got to make it tough for them and we’ve got to hit our shots.”
Hindi nakalaro si Bucks forward Khris Middleton at hindi na makalalaro pa sa series sanhi ng left knee injury, tinamo sa Game 2 loss. Si Portis ang pumalit sa kanya, na nakasuot naman ng glasses para protektahan ang eye injury.
Hindi rin nakatapos ng laro si Bulls guard Alex Caruso, nang tamaan ng siko ni Milwaukee’s Jevon Carter sa second quarter.
Sinimulan ng Milwaukee ang second half via 9-2 run tungo sa game-high 65-43 edge. Sumagot ang Chicago, 17-3 spurt para dumikit, 68-60, pero muling umarangkada ang Bucks at iniskor ang sumunod na 11 puntos, anim mula kay Antetokounmpo, nag-assist kay Allen para sa 3-pointer tungo sa 79-60 lead.
Nagawang dumikit ng Bulls hanggang 13 puntos hanggang matapos ang laro.
HAWKS INIHAW NG HEAT
NAAGAW ng top-seeded Miami Heat ang 3-1 lead sa Eastern Conference first round series, nang talunin ang Atlanta Hawks, 110-86.
Naglista si Jimmy Butler ng 36 puntos para sa Miami. Nagawa ring pigilan ng Heat si Atlanta star Trae Young sa nine points mula sa 3-of-11 shooting at lahat ng basket nito ay mula sa 3-pointers.
Nagdagdag pa si Butler ng 10 rebounds, four assists at four steals sa Heat, kung saan hindi nakalaro si Kyle Lowry sanhi ng hamstring strain at nag-cheer na lang mula sa bench.
Mula sa one point deficit sa first quarter ay inagaw ng Heat ang kontrol via 30-15 second quarter, kabilang ang 15-0 scoring run at isinara ang half sa 11-0 surge. Sisikaping tapusin ng Heat ang serye sa home game sa Martes.
Samantala, naitabla ng New Orleans Pelicans sa 2-2 ang serye nito kontra top seeded Phoenix Suns sa pamamagitan ng 118-103 win.
Unti-unting umaakyat ang Pelicans, huling koponang nakakuha ng playoff spot, matapos matalo sa opener at Game Two.
Ang Phoenix, nanguna sa league na may 64 regular-season wins, ay magsisikap maipanalo sa home ang game five.
Nagtala si Brandon Ingram ng 30 points, nagdagdag si Jonas Valanciunas ng playoff-career-high 26 points at 15 rebounds para sa Pelicans.
Wala si Suns top scorer Devin Booker at hindi na makalalaro sa nalalabing game ng series sanhi ng hamstring strain.
Nanguna sa Phoenix, abante pa sa halftime (51-49), si DeAndre Ayton na may 23 points.
Ngunit na-outscore ng 13 points ng New Orleans ang Phoenix sa third quarter at kinuha ang 10-point lead at pinalobo pa ito sa 16 sa final period.
Hindi halos nakaiskor si Chris Paul nang bulabugin ng depensa ni Jose Alvarado at nagawa lamang makapag-ambag ng four points at 11 assists ng veteran point guard.
107