SASABAK sina Melcah Jen Caballero at Joanie Delgaco sa FISA (World Rowing Federation) Asia and Oceania Olympic Qualifying sa Abril 21 sa South Korea, kung saan tatlong spots sa Olympic Games ang nakataya.
Sina Caballero at Delgaco ay tatangkaing makapagtala ng mas mabilis na clockings upang masigurong makakuha ng slot sa Tokyo Olympics.
Sa nakaraang taong Asian Rowing Championship, si Caballero, double gold winner sa 30th SEA Games, at si Delgaco ay nagmintis sa podium finish nang halos tatlong segundo.
Tumapos silang pang-apat sa likod ng nanalong China, South Korea at Iran. Mabagal lamang sila ng 2.56 segundo sa third-placer.
“We are aiming for faster times before we race in the Olympic qualifying,’’ wika ni Caballero, nanalo sa women’s lightweight double sculls kapartner si Delgaco sa nakaraang SEA Games.
“It will take a lot of sacrifice for us to get it done,” dagdag ni Caballero, na kasama si Delgaco, Cris Nievarez, SEA Games single scull gold medalist at iba pang rowers na nagsasanay ngayon sa ilalim ni Uzbek coach Shukhrat Ganiev.
148