PBA ALL STAR DADAYO SA ILOILO

DADAYO sa Passi, Iloilo ang Philippine Basketball Association (PBA) para sa All-Star games.

Maliban dito, limang games pa ang isasagawa sa probinsiya sa All-Filipino Cup na magsisimula sa Marso 1 hanggang Hunyo 2020.

Magpapahinga sa kalagitnaan ng Commissioner’s Cup ang liga upang isagagawa sa Hulyo 10 hanggang 12 ang tradisyunal All-Star Game.

Plano ng PBA na magkaroon ng mas maraming provincial games ngayong taon upang mas maraming makapanood nang live.

Kumpirmado nang bukod sa Iloilo ay lilibot ang Philippine Cup sa Bataan, Cagayan De Oro, Panabo, at Dipolog.

Dadalhin din ang PBA games sa ibang bansa gaya sa Riyadh, Saudi Arabia, Dubai, at USA.

Ito’y bunsod na rin ng matagumpay na mga laro na isinagawa sa Dubai at UAE noong nakaraang taon.

Samantala, gaya noong nakaraang taon at sa ikatlong sunod na pagkakataon ay walang magaganap na PBA game sa Christmas Day.  (ANN ENCARNACION)

84

Related posts

Leave a Comment