NANGHIHINAYANG si Gilas Pilipinas interim head coach Mark Dickel sa pansamantalang pagkansela sa Fiba Asia Cup 2021 qualifying game kontra Thailand na nakatakda sana sa Pebrero 20.
Ngunit gagamitin umano nila ang pagkakataon upang mas makapagprepara para sa naturang game.
Ang mas importante, ayon kay Dickel: “Whenever the dates are, we will be more prepared.”
Ipinagpaliban ng Federation International Basketball Association (FIBA) ang unang tatlong laro ng Asia Cup Qualifiers bunga pa rin ng coronavirus outbreak.
Inihayag ng FIBA ang desisyon sa official twitter account nito.
“Due to the current #coronavirus outbreak, FIBA Asia has taken the decision to postpone the following #FIBAAsiaCup 2021 Qualifier games: PHI vs. THA (Feb 20), JPN vs. CHN (Feb 21), CHN vs. MAS (Feb 24). The new dates will be announced later!”
Kinumpirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang postponement ng nasabing laro na dapat sanang ganapin sa SMART Araneta Coliseum.
“At 7:55PM, SBP received word from FIBA Asia postponing the Philippines game vs Thailand on Thursday, February 20, 2020 in SMART Araneta in consideration of the Philippine Department of Health Advisory against ” . . . organizing events with mass attendance” as a precaution re threat of the corona virus epidemic,” lahad ng kalatas mula sa SBP.
Pero tuloy naman ang laro ng mga Filipino laban sa Indonesia sa Pebrero 23 sa Jakarta.
Ang national team na binubuo ng PBA veterans at amateur players ay kasalukuyang nasa matinding paghahanda sa ilalim ni interim head coach Mark Dickel. (VT ROMANO)
110