NAGDESISYON ang Department of Education (DepEd) na kanselahin ang Palarong Pambansa dahil sa novel corona virus.
Ipinaalam ito ni Education secretary Leonor Briones sa kasagsagan ng Senate inquiry kaugnay sa 2019-nCov, Martes.
Ngunit kahapon ay binawi ni Briones ang naunang pahayag at sinabing tuloy na tuloy na ang taunang summer meet na gaganapin sa Mayo sa Marikina City.
“We reiterate that the Palarong Pambansa is not included in the list since it will officially open by May this year,” paglilinaw ng DepEd sa pamamagitan ng official social media sites nito.
Umaasa ang naturang kagawaran na dahil humigit kumulang tatlong buwan pa ang Palaro, maaaring tapos na ang novel corona virus scare sa panahong iyon.
Nauna nang tumanggi ang original host, Occidental Mindoro, na gawin sa kanilang probinsiya ang summer meet dahil sa hindi pa ito ganap na nakababawi mula sa pananalanta ng bagyong Tisoy noong Disyembre, 2019.
Ito rin ang dahilan kaya’t inilipat ang taunang Palaro sa Marikina City. (EBG)
193