FAJARDO OUT NA SA 2020 PHL CUP

TATLONG linggo bago magbukas ang 45th PBA Season, isang malaking dagok ang dumating sa San Miguel Beer matapos kumpirmahin ng management na nagtamo ng injury si big man June Mar Fajardo.

Sa opisyal na pahayag ng team kahapon, nakasaad na nitong Lunes sa team practice ay na-injure ang five-time MVP. “San Miguel Beermen center June Mar Fajardo suffered a complete fracture on his right tibia during team practice last February 3. He was immediately brought to a hospital, where assessment on the extent of his injury and initial treatment were made.”

Martes ng gabi nang kumalat ang ‘di kumpirmadong balita hinggil sa tinamong injury ni Fajardo at napag-alamang sumailalim na ito sa operasyon ng nasabi ring araw.

“He underwent successful surgery last February 4 and will be scheduled to go through post-operation rehabilitation to allow him to recover at the soonest possible time,” lahad pa ng SMB management.

Bunga nito, hindi na makalalaro si Fajardo sa kabuuan ng paparating na Philippine Cup, kung saan target ng Beermen ang ikaanim na sunod nitong korona.
Hindi na rin makasasama si Fajardo sa alinmang international competition na lalahukan ng pambasang koponan, dahil walang kasiguruhan kung kailan siya makababalik sa paglalaro.
Kung matatandaan, nagkaroon ng shin injury si Fajardo at dalawang buwan siyang hindi nakalaro sa Governors’ Cup noong 2018. (VT ROMANO)

86

Related posts

Leave a Comment