PAPADYAK para sa isang Chinese team ang Philippine cycling member na si Dominic Perez.
Ang 25-anyos na si Perez ay kinuha ng Team SSIOS Miogee, isang Chinese Continental Team.
Dahil walang representative ang Pilipinas sa 25ht edtion ng Le Tour de Langkawi na gaganapin sa Malaysia, nagpasya si Perez na tanggapin ang alok ng Miogee.
Kabilang sa mga makakasama niya sa nasabing team sina Le Tour de Filipinas champion Jeroen Meijers, isa pang Dutch na si Andre Looij, Georgious Bouglas ng Greece, Fabricio Ferrari ng Uruguay at Edgar Nieto ng Spain.
Ayon kay Miogee Team manager Zhiling Wu, nagdesisyon ang koponan na kunin si Perez matapos niyang makita ang diskarte at istilo ng Pinoy rider sa Tour de Iskandar, Tour de Peninsula at LtdFilipinas.
Idinagdag ni Wu, labis siyang na-impress sa sprinting skills ni Perez, maging ang kapasidad nito sa mainit na kundisyon at panahon sa Southeast Asia.
Si Perez ay may limang stage na podium finish at dalawang top 10 overall (GC) placing, kabilang ang ikatlong puwesto sa Ronda Pilipinas noong nakaraang taon. Nakatanggap din siya ng LTDLangkawi Stage Most Combativity Award, at inaasahang mangunguna sa lead-out ng mga top sprinters ng Miogee team. (ANN ENCARNACION)
117