SA tuwing may tumatamang kalamidad sa Pilipinas, asahan na ang matinding epekto nito.
Maraming pinsala ang inaabot ng iba’t ibang sektor.
Ang pinakahuling tumama sa bansa ay ang bagyong Agaton.
Dumarami ang mga kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
Sabi nga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos 200 na ang death toll (172).
Nasa 156 sa Eastern Visayas, 11 sa Western Visayas, tatlo sa Davao Region at dalawa naman sa Central Visayas.
Ang nakakapangilabot, may 110 pang napaulat na nawawala at patuloy na pinaghahanap.
Kung hindi ako nagkakamali, 104 sa kanila ay sa Eastern Visayas, lima sa Western Visayas at isa sa Davao Region.
Sinasabing sa kabuuan ay 2,419 barangays sa Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM ang naapektuhan.
Katumbas daw ito ng 643 indibiduwal habang nasa 207,572 ang nananatili sa mga evacuation centers.
Maging sa infrastructure ay matindi ang naging epekto ng pagtama ni Agaton.
Katunayan nga niyan, may siyam na tulay at 69 kalsada sa mga apektadong rehiyon ang hindi pa rin nadadaanan.
Nasa 10,393 bahay ang napinsala at higit P249.8 milyon naman ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.
Ngunit mabuti na lamang dahil maliban sa gobyerno ay may mga organisasyong tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo tulad na lamang ng Pitmaster Foundation.
Patuloy na namamahagi ng tulong ang Pitmaster para sa mga kababayan nating naapektuhan ng Bagyong Agaton sa command center sa Leyte.
“Tuloy lang ang pagbibigay ng Pitmaster Foundation para sa mga nangangailangan nating mga ka-GAPP!” ayon sa statement ng grupo.
Sa lahat ng panahon, nariyan ang Pitmaster para tumulong sa lahat ng sektor ng lipunan.
Habang tumutulong ito sa mga nangangailangan, nagbibigay rin ito ng tamang buwis sa pamahalaan sa gitna ng pandemya.
Maraming humahanga sa Pitmaster dahil sa mga ginagawa nila para sa mga mahihirap nating kababayan.
Ang masaklap, sa mga ganitong panahon at pagkakataon, nagsusulputan din ang mga mapagsamantalang indibidwal.
“Mayroon kaming mga natanggap na mensahe na may nagpapanggap bilang aming empleyado na nagbibigay raw ang foundation ng tulong pinansyal gamit ang GCash. Nais po naming magbigay ng babala na kami ay hindi humihingi ng donasyon o nagbibigay ng donasyon gamit ang GCash,” wika ng Pitmaster sa isang statement.
Ayon pa sa foundation, “ang mga pagtangkang pagtext ukol dito ay pawang scam.”
Mag-ingat po tayo sa mga natatanggap nating text o tawag mula sa mga nagpapanggap na taga-Pitmaster.
Suportahan po natin ang advocacies ng Pitmaster Foundation.
88