BLINANGKO ng San Beda ang Letran, 13-0 sa 95th NCAA men’s football tournament sa Rizal Memorial Football Stadium.
Umatake si Rosi Sumudivila sa 11th, 38th at 54th minute para sa Red Booters na nakatuon sa paghablot ng kanilang ika-22 titulo.
Habang umiskor si reigning MVP Jessie Semblante (15th, 66th minute), magkasunod na goal ang sinipa ni Kenneth Payosalan (56th, 59th) at si Maurice Humol (90th) ay umiskor sa second half stoppage.
Nagsumite rin ng goal sina Christopher Villanueva (first half stoppage time), Keith Edulan (51st), Miguel Pasion (58th) at Reinhard Colasito (79th).
Dinemolis naman ng last-year’s runner-up Arellano University ang Mapua, 7-1, sa pagtutulungan nina Al Jun Baclason at Kervin Papilota.
Binokya naman ng College of Saint Benilde ang Emilio Aguinaldo College, 4-0. (VT ROMANO)
116