UAAP 82 HS Boys’ Basketball: FIGUEROA, MVP

TULUYAN nang ibubulsa ni Jake Figueroa  ang Most Valuable Player award para sa UAAP Season 82 High School Boys’ Basketball tournament.

Ang Grade 11 Adamson Baby Falcon ay nakaipon ng kabuuang 73 statistical points, mas mataas ng 6.21 points sa sumegundang si Josh Lazaro ng Ateneo.

Si Figueroa ay nag-averaged ng 13.21 points, 14.14 rebounds, 3.14 assists, 1.64 steals, at 1.21 blocks per game.

Pinangunahan niya ang Baby Falcons sa stepladder bilang fourth seed, na may 8-6 record.

Ang 6’2” forward mula sa Pampanga ang unang basketball MVP mula sa Adamson kasunod ni Mark Juruena, na hinablot ang karangalan noong Season 71.

Si Lazaro at kakamping si Lebron Lopez ay nasa ikalawa at ikatlong puwesto (66.79 at 66.21 SPs). Sila ang umakay sa Blue Eaglets sa third seed, 8-6 record kapareho ng Adamson.

Nasa ikaapat na posisyon naman si National University-Nazareth School’s Karl Quiambao (66.14) at panlima si University of the Philippines Integrated School’s Aldous Torculas (65.57).

Ang iba pang kasama sa top 10: Bismark Lina ng UST (65.5), UPIS’ Ray Torres (63.29), Cyrus Austria ng UE (60.46), Penny Estacio ng FEU-D (60.36) at Ateneo’s Forthsky Padrigao (59.64).

Ang awarding ceremony ay gaganapin sa Game Two ng Finals.  (VT ROMANO)

111

Related posts

Leave a Comment