SSS at GSIS gigisahin sa Kamara P1.6-B LUGI SA PALPAK NA INVESTMENT

TUMATAGINTING na P1.6 bilyon ang nawala sa gobyerno bunsod ng pagkalugi sa inilagak na investment ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) sa Megawide Construction Corporation.

Sa inihaing House Bill 2397, hinimok ng mga kongresista mula sa Bayan Muna party-list ang isang malalimang imbestigasyon ng House committee on good government and public accountability hinggil dito at sa anila’y balakid sa umentong isinusulong para sa miyembrong pensyonado.

“Di na nga naibigay pa ng SSS ang P1,000 na dagdag sa SSS pension hike dapat ng mga seniors tapos ay inilalagay nila sa alanganin ang inihulog ng mga seniors at mga manggagawa sa ngayon dahil sa naluluging shares na binili nila sa Megawide. Dapat talagang maimbestigahan ito ng Kongreso ngayon,” saad ng grupong Bayan Muna.

Sa tala ng mga militanteng kongresista, hindi biro ang isinugal na pondo ng SSS at GSIS na kapwa anila top shareholders ng naluluging kumpanya. Ayon pa sa datos na kalakip ng HB 2397, mayroong 4.48% share ang SSS sa Megawide habang 3.99% naman ang para sa GSIS.

Nito lamang buwan ng Setyembre, umaabot pa sa 90,176,500 shares ng SSS sa Megawide – katumbas ng P553 milyon o 0.49% sa P112 bilyong equity portfolio ng kumpanya.

“Available documents would also reveal that as of November 2021, GSIS holds 80,329,945 shares of Megawide with an average cost of P14.48 per share. Majority of these shares were acquired through Initial Public Offering and subsequent receipt of stock dividends. The investment in Megawide represents 0.24% of GSIS’s local equities portfolio,” ayon pa sa resolusyon.

Gayunpaman, bumagsak ang Megawide share sa P5.06 nitong nakaraang Disyembre 1. Sa paggalaw ng presyo ng Megawide stocks, ang P1.163 bilyong kinakapitan ng GSIS, nauwi na lamang sa P406 milyon.

“It can also be safely presumed that since the SSS purchased Megawide shares at an average cost similar to the GSIS, then the 90,176,500 shares of SSS totaling to P1,305,755,720 then went down to P456,293,090,” ayon pa sa resolusyon. (BERNARD TAGUINOD)

284

Related posts

Leave a Comment