Sumibat nang walang iniwang ebidensya – Sec. Roque BANAT NI PACQUIAO ‘AMPAW’ LANG

KULANG na lang ay sabihin ng Malakanyang na “ampaw” ang alegasyon na malalang korapsyon ni Senador Manny Pacquiao sa ilalim ng Duterte administration.

“Well, unang-una, ang mga alegasyon po ni sir Pacquiao ay alegasyon, walang detalye at tapos umalis siya ano. At ang inaasahan sana ng presidente gagampanan niya ang kaniyang papel bilang isang senador na talagang mag-iimbestiga sa Senado pero hindi po iyon nangyari ano,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Malinaw aniya ang sinabi ng pangulo kamakailan na “bago ka pumukol ng dumi ng iba eh ayusin mo muna ang dumi mo sa iyong sariling mukha.”

“So, kung ikaw ay tunay na naninindigan laban sa korapsyon sa iyong pamumuhay, dapat wala kang korapsyon at ang hindi pagbabayad ng buwis ay isang form ng korapsyon,” ani Sec. Roque na ang tinutukoy ay ang P2.2 billion tax evasion na isinampa laban kay Pacquiao noong 2014.

Samantala, ibinahagi naman ni Senator Richard Gordon na wala pa siyang natatanggap na kahilingan o wala pang naihain na resolusyon para makapagsagawa ng pagdinig ang pinamumunuan niyang Blue Ribbon Committee sa mga naging alegasyon ni Pacquiao. (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment