Sumilong sa tunnel 6 MOTORSIKLO INARARO NG SUV 1 PATAY, 7 SUGATAN

CEBU City – Patay ang isang babaeng rider habang pito ang sugatan, kabilang ang isang pulis, makaraang araruhin ng isang SUV ang anim na motorsiklo sa tunnel ng South Road Properties (SRP) sa lungsod na ito, noong Huwebes ng gabi.

Pawang sakay ng mga motorsiklo ang mga biktima na umiwas lamang na mabasa ng ulan.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng Waterfront Police Station (Cebu City Police Station 3), biglang inararo ng rumaragasang sports utility vehicle (SUV) ang anim na motorsiklo sa southbound lane ng tunnel na sumilong dahil sa malakas na ulan.

Kinilala ng mga awtoridad ang namatay sa insidente na si Stephanie Hetutua, 26-anyos, angkas ng isang motorsiklo.

Sugatan naman ang limang iba pa na kinilalang sina Police Captain Angelito Valleser, 44; Klent Christian Mansueto, 26; Jill Pacaña, 44; Jessie Abay, 33; Armando Gonzaga, 50; Joaquin Cutamora, 35, at Ronel Melecio.

Sina Mansueto, Cutamora, Melecio at Valleser ay kinailangang dalhin sa ospital.

Samantala, hawak na ng pulisya ang driver ng SUV na kinilalang si Tareq Leleng Farhat, 19-anyos.

Base sa salaysay ni Farhat sa mga imbestigador, hindi niya agad napansin ang mga nakaparadang motorsiklo at kahit umano nagawa niyang magpreno ay nawalan siya ng kontrol sa sasakyan dahil sa dulas ng basang kalsada. (JESSE KABEL)

341

Related posts

Leave a Comment