“LOUD and clear! Kailangan ayusin naming lahat ang trabaho namin sa gobyerno at iwasan mahulog sa korapsyon”.
Ito ang tugon ni Sen. Erwin Tulfo, hinggil sa kanyang reaksyon sa kilos protesta nitong linggo sa Luneta sa Maynila at People Power Monument sa EDSA, Quezon City.
“That they (people) are watching and they are tired of corruption,” dagdag pa ng mambabatas.
Aniya, “mensahe ng sambayanan ito sa gobyerno na shape up or we will take control”.
Libo-libo ang dumalo sa nasabing protesta sa Maynila at Quezon City upang kondenahin ang pagnanakaw ng pera ng bayan sa mga ghost at substandard flood control projects.
Payo pa ni Tulfo sa mga opisyal ng pamahalaan at mga kontraktor na isoli ang pera ng taumbayan.
“Parang hinoldap o dinukutan nila ang pobreng si Juan para mabili lamang ang luho nila,” ayon kay Tulfo.
“September 21, 2025 should be the last day of corruption in the government”, pahabol ng mambabatas.
122 