SUSPEK SA PAGPATAY SA 2 MINORS ARESTADO

RIZAL – Pormal nang sinampahan ng kaso ang 18-anyos na suspek sa kalunos-lunos na pagpatay sa pinsan at nobyo nito sa loob ng Old Cemetery sa Sitio Namay, Brgy. San Juan, sa bayan ng Morong noong Linggo ng hapon, Marso 1, 2026.

Ayon kay Provincial Director PCol. Eleazar Barber, dalawang bilang ng kasong murder ang isinampa sa hindi pinangalanang suspek, sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office matapos ang isinagawang inquest proceedings.

Kalunos-lunos ang sinapit ni Russel Hernandez, 12-anyos, at nobya nitong si Rhea Jane Tayaban, 13-anyos na pinsang buo ng suspek, matapos matagpuan na wala nang buhay at tadtad ng tama ng saksak.

Binasted umano siya ng babaeng nililigawan, naglasing at pilit na isinama nito ang dalawa sa lumang sementeryo para maglabas ng sama ng loob hanggang sa nagalit ito dahil sa ilang masasakit na salita umano na binitiwan ng dalawang biktima.

Idinagdag pa sa ulat ng pulisya na tumulong pa umano ang suspek sa paghahanap sa mga biktima matapos iulat ng mga magulang na hindi pa umuuwi, at huling nakita ang mga ito sa isang computer shop sa Sitio Sagbat.

Inamin dakong huli ng suspek ang krimen matapos siyang isumbong ng isang saksi na nakitang nanggaling ito sa pinangyarihan ng krimen na puno ng dugo ang kamay at katawan.

Kinorner siya ng imbestigador at hindi nakapalag nang arestuhin dahil sa mga bakas ng sugat at dugo sa mga kamay.

(NEP CASTILLO)

1

Related posts

Leave a Comment