SWIMMER BEJINO, 5th PINOY SA TOKYO PARALYMPICS

PASOK na si swimmer Gary Bejino sa Tokyo Paralympics na nakatakda sa Agosto.

Siya ang ikalimang atletang Pinoy na umabante sa kada apat na taong Paralympics.

“We just received official communication from World Para Swimming of his approved bipartite application,” pahayag ni Team Pilipinas Paralympic chef de mission Kiko Diaz.

Ang apat na iba pang qualifiers ay sina Allain Ganapin sa taekwondo, Jerold Magliwan at Jeanette Acevedo sa athletics, at Ernie Gawilan sa swimming.

Sinabi ni Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, nadagdagan ang pag-asa ng bansa na makapag-uwi ng medalya mula Tokyo sa pagkasama ni Bejino sa mga Pinoy qualifiers.

“We are happy to get the great news that para athlete swimmer Gary Bejino has earned a slot at the Tokyo Paralympics,” aniya. “Hopefully Team Philippines can garner a few more to increase our chances of getting medals at the Games.” (ANN ENCARNACION)

123

Related posts

Leave a Comment