SWS: 32% NG PINOY BUMUTI PAMUMUHAY

LABIS Na ikinatuwa ng Malakanyang ang pinakahuling survey ng SWS na nagsasabing 32% ng adult Filipino ang nagpahayag na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa 24% nuong December 2021.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang kasalukuyang pandemic response ng pamahalaan.

Aniya, nagawa ng gobyernong Duterte na mabalanse ang pagtugon kapwa sa aspetong pangkalusugan at pang-ekonomiya.

Malinaw aniya na lumabas sa survey na tuloy-tuloy na ang pagtakbo ng ekonomiya ng bansa at pagbangon nito.

Ito’y sa gitna ng dapat pa ring ipagpatuloy na pagmamatyag at pagbabantay sa mga bagong COVID-19 variants.

“We note the latest Social Weather Stations (SWS) Survey showing 32% of adult Filipino respondents thought their lives had gotten better off in April 2022 compared to 24% who had the same sentiment in December 2021,” ayon kay Andanar.

“We view this improvement as incontrovertible proof that the current government’s pandemic response is working, where we put a premium on both health and the economy. It is likewise a reaffirmation that we are now on our way to full economic recovery while maintaining our vigilance with the new COVID-19 variants,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

182

Related posts

Leave a Comment