Tablet ayaw ibigay sa holdaper 18-ANYOS BINARIL SA MUKHA

LUCENA CITY – Patay ang isang 18-anyos na binata makaraang barilin sa mukha ng isa sa mga holdaper nang hindi nito ibigay ang kanyang tablet noong Linggo ng gabi sa nasabing lungsod.

Kinilala ang biktimang si Angelo Calapit Andes, tinamaan ng dalawang bala sa kanyang mukha.

Batay sa report ng Lucena City Police, bandang alas-7:00 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ang isang kaibigan sa barangay road sa likod ng Agricultural Integrated High School sa Barangay Mayao Parada, nang harangin ang mga ito ng dalawang lalaki at sila ay hinoldap.

Tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang tablet at nakipagbuno sa isa sa mga suspek kaya binaril ito ng pangalawang suspek.

Agad nalagutan ng hininga ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril. (NILOU DEL CARMEN)

246

Related posts

Leave a Comment