DRILON SINISI SA ABERYA SA SEA GAMES 

(N BERNARD TAGUINOD) SINISI ng isang mambabatas ang Senado kung bakit nagkakaroon ng aberya sa paghohost ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games dahil hindi nila ipinasa agad ang 2019 national budget. Ginawa ni 1PACMAN party-list Rep. Mikee Romero ang pahayag matapos kuwestiyunin ni Sen. Franklin Drilon ang desisyon ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na paghiwa-hiwalay ang sport gayung puwede naman itong gawin lahat sa Clark City. Ayon sa mambabatas na bahagi ng Polo team ng Pilipinas, na-delay ng 6 na buwan ang 2019 budget kaya nadelay din…

Read More

MRT-3 NAGKAABERYA ULIT; HALOS 800 PASAHERO PINABABA

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) NAPILITAN ang pamunuan ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) na pababain ang may 780 pasahero nito mula sa kanilang sinasakyang tren dahil sa dinanas na aberya sa area ng Makati City, Martes ng hapon. Batay sa advisory, sinabi ng DOTr-MRT3 na dakong ala-1:01 ng hapon nang tumirik ang tren sa southbound lane ng Ayala Station. Electrical failure na dulot ng mga luma nang electrical sub-components, gaya ng main chopper, regulator, at insulator ang dahilan ng aberya. Kabilang, anila, sa remedial measure na kanilang isinagawa…

Read More

LRT-1 NAGKA-ABERYA

lrt12

(NI KEVIN COLLANTES) ILANG minutong aberya ang dinanas ng isang tren ng Light Rail Transit – 1 (LRT-1) sa area ng Maynila, sa kasagsagan pa naman ng rush hour sa unang araw ng muling pagbubukas ng klase para sa School Year 2019-2020, nitong Lunes. Sa inisyung advisory ng pamunuan ng LRT-1, natukoy na isang tren nito ang nagkaaberya sa southbound ng Pedro Gil station, kaya’t napilitan silang magpatupad ng 15kph speed restriction sa biyahe ng kanilang mga tren dakong alas-7:59 ng umaga. Makalipas ang ilang minuto ay pansamantala na ring…

Read More

MRT-3 NAGKAABERYA; 300 PASAHERO PINABABA

mrt3

(NI KEVIN COLLANTES) MAY 300 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang pinababa matapos dumanas ng aberya ang sinasakyan nilang tren, na nagresulta pa sa pagpapatupad ng limitadong operasyon nito, Lunes ng hapon. Batay sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT3, nabatid na dakong alas-12:20 ng tanghali nang dumanas ng problemang teknikal ang isa nilang tren sa interstation ng Taft Avenue at Magallanes northbound. Kaagad naman itong ipinabatid sa mga personnel ng Magallanes station para sa pagbibigay ng assistance sa pagpapababa ng mga naapektuhang pasahero. Wala naman…

Read More