Hunyo 2018 nang unang inilunsad ng Advocates and Keepers Organization of OFW (AKOOFW) Inc. ang Bantay OFW mobile application na libreng maida-download mula sa Android Playstore ng mga OFW o ng mga papaalis pa lamang ng bansa. Layunin ng Bantay OFW Mobile application na makumusta ang lahat ng mga OFW na nakapag-download nito kada-linggo upang maiparating ng mga OFW ang kanilang kalagayan o sitwasyon sa ibang bansa. Tuwing araw ng Biyernes, ay may matatanggap na mensaheng “Kumusta Kabayan?” ang sinumang mayroong Bantay OFW Mobile app na maaaring sagutin ng “Mabuti” o…
Read MoreTag: Ako OFW
DEPARTMENT OF OFW, MATUTUPAD NA SA DISYEMBRE
Kahapon ay isa ako sa naimbitahan para dumalo sa Congress Meeting ng Committee Secretary ng Committee on Government Reorganization at Committee on Overseas Workers Affairs. Kasama sa mga naimbitahan ay ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamumuno ni Secretary Silvestre Bello, POEA, OWWA, CFO at ang DFA-OUMWA at ang ilang piling mga non-government organizations (NGOs) na kung saan nabibilang ang AKO OFW Inc. Sa takbo ng pag-uusap ay malinaw na ang lahat ng dumalo ay nagpahiwatig ng kanilang pagsuporta upang maisabatas ang pagkakaroon ng DOFW.…
Read MoreBRGY. OFFICIALS, DAPAT MANAGOT SA PAGDAMI NG BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITERS
Kapansin-pansin ang biglang paglobo ng bilang ng mga nabibiktima ng illegal recruiters mula sa mga probinsiya patungo sa Dubai o Abu Dhabi sa U.A.E. Karamihan sa aming natatanggap na sumbong o paghingi ng saklolo ay ang mga nagmumula sa probinsiya na hinikayat na magturista sa U.A.E. na ang tunay na pakay ay ang magtrabaho. Mahigpit kasi itong ipinagbabawal dahil sa umiiral na deployment ban sa bansang U.A.E. Ang sistema na ginagawa ng illegal recruiters ay humihikayat sila ng mga OFW o dating OFW sa pamamagitan ng pag-post sa Social Media…
Read MoreOWWA VOLUNTEERS, IHAHANDA SA PAGTULONG SA DISTRESSED OFWs
Buhay na buhay pa rin ang diwa ng Bayanihan sa ating mga Filipino. Matapos na aking ilathala sa aking Facebook account ang imbitasyon para sa mga Volunteer Advocates na sumali sa gaganaping Volunteer Advocate Training and Certification Program ay agad na dumagsa ang napakaraming emails na nagpapahiwatig ng kanilang kagustuhan na maging parte ng Certified Volunteer Advocates. Marami sa mga nagpahiwatig ay nagmula sa iba’t ibang kilalang Advocacy groups na matagal nang tumutulong sa ating distressed OFWs. Pero ang nakaantig ng aking damdamin ay ang mga sulat na aking natanggap…
Read MorePINAY NA BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITER, MISTULANG HOSTAGE SA RECRUITMENT FEE
Sa inilabas na anunsiyo ni Consul General Paul Raymund Cortes ng Philippine Consulate sa Dubai sa kanyang Facebook account ay sinabi niya na simula noong Enero hanggang buwan ng Agosto 2019 ay 1,843 overseas Filipinos na ang napauwi sa Pilipinas na nagmula sa Shelter ng POLO-OWWA. Siyamnapu’t siyam na porsiyento (99%) sa mga ito ay mga nagpunta sa Dubai bilang turista at doon naghanap ng kanilang trabaho sa pamamagitan ng illegal recruiters. Lubhang nakababahala na ang paglobo ng bilang ng mga nabibiktima ng illegal recruiters. Kamakailan ay tatlong Facebook account…
Read MoreDILG, PALALAKASIN ANG UGNAYAN NG BARANGAY AT OFW
Binisita ng Ako OFW ang opisina ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Dino nitong Martes upang talakayin ang mga suliranin ng mga OFW at pamilya ng mga ito. Hindi talaga nagkamali si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagtatalaga sa dating barangay captain ng Quezon City para pamunuan ang mahigit na 42,000 na barangay sa buong Pilipinas. Ang kanyang kasanayan sa pamamalakad ng barangay ang naging dahilan upang mabilis niyang maunawaan ang mga isyu na aming tinalakay. Higit na nakatutuwa na may mga sarili na pala siyang plano at inisyatibo…
Read MoreSPHINX INTERNATIONAL GROUP, TINATAWAGAN NG PANSIN; BANTAY OFW HELP CENTER, ILULUNSAD NA
Isang sumbong ang aking natanggap sa pamamagitan ng ating Bantay OFW Mobile Apps na kung saan ang ating kabayani na si Geraldine Ortillo na kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia ay humihingi ng tulong. Ayon sa salaysay ni Ortillo, mahigit limang buwan na siyang hindi binabayaran ng kanyang sweldo. Malapit na rin siyang umuwi ng Pilipinas at nababahala na siyang tuluyan na pauwiin na hindi bayad ang kanyang pinaghirapan. Ang problemang ito ni Ortilla ay nagmula pa nang siya ay unang dumating sa kanyang employer at tila nakagawiian na diumano ng…
Read MoreDELIKADO ANG MAGTURISTA SA IBANG BANSA KUNG ANG PAKAY AY MAGTRABAHO
Sunud-sunod na paghingi ng tulong ang aking natanggap mula sa ilang kababayan na nagtungo sa ibang bansa gamit ang tourist visa, ngunit ang tunay na pakay ay ang magtrabaho. Nitong nakaraang Biyernes ay aking tinalakay ang masaklap na dinaranas ng mga biktima ng illegal recruiters na nag-eengganyo na magpunta sa Dubai o Abu Dhabi sa UAE gamit ang visit visa. Pagdating nila sa UAE ay may sumasalubong na pala agad sa kanila sa airport na mga ahente upang sila ay ihanap ng trabaho o employer. Ang siste, ipapasok sila sa…
Read MorePAGLOBO NG BILANG NG MGA DISTRESSED PINAY SA UAE, DAPAT IMBESTIGAHAN NA NG SENADO
(Huling bahagi) Ito ay isa lamang sa mga sinasapit ng mga Pinay na nagnanais na makapunta sa UAE sa pamamagitan ng tourist visa pero ang pakay ay magtrabaho roon. Huli na bago nila mapatunayan na sila ay biktima nang human trafficking. Hindi na mabilang ang natulungan ng AKO OFW upang makauwi sa Pilipinas matapos na mabiktima ng mga kapwa Pinay na nagre-recruit sa kanila. Karamihan sa mga biktima nito ay ang mga DH na nagmula sa Hong Kong, Pilipinas at Malaysia. Hanggat hindi nag-iimbestiga ang Senado sa kinalaman ng mga…
Read More