(Unang bahagi) Sa ulat na ipinalabas ng TV Patrol noong Agosto 17 ay sinasabi na halos 450 Pinay na ang nasa loob ng Bahay Kalinga sa Philippine Embassy sa United Arab Emirates (UAE). Diumano ay nagsagawa pa ng noice barrage o pag-iingay ang mga ito bilang protesta sa mabagal na pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas. Matagal nang mayroong deployment ban para sa mga domestic helper sa UAE dahil sa hindi pagsang-ayon ng gobyerno ng UAE sa mga patakaran na nakasaad sa kontrata sa panig ng Philippine Recruitment Agencies. Kung kaya,…
Read MoreTag: Ako OFW
25 PINAY NA KINULONG NG EMPLOYER
Nakatanggap ako ng video at sulat mula sa halos 25 mga Pinay na kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia na nakikiusap na agad silang mapauwi dahil sila ay kinulong at halos hindi pinapakain ng kanilang employer. Ayon sa kanilang liham, sila ay nag-apply bilang mga visual merchandizer sa International resource Development Corporation na may tanggapan sa Padre Faura, Manila. Ngunit imbes na visa para sa Visual Merchandizer, ay ang ibinigay sa kanilang work visa ay para sa cleaner upang diumano ay mabilis silang makaalis ng bansa. Ayon sa kanilang sumbong, ilan…
Read MoreBANTAY OFW, MULING PAUUNLARIN ANG SERBISYO SA OFW KASAMA ANG I-VITTA
Isang taon matapos na mailunsad ang ating Bantay OFW mobile apps noong Hunyo 23, 2019 ay ating napatunayan ang kahalagahan nito para sa ating mga kabayaning OFW saan mang sulok ng mundo. Sa kasalukuyan, tanging ang Bantay OFW mobile app lamang ang may kakayanan na kamustahin ang ating mga kabayani apat na beses sa isang buwan. Sa pamamagitan kasi ng libreng pag-download ng Bantay OFW mobile app sa android playstore at matapos na makapag-Sign Up, ay regular nang makatatanggap ng pangungumusta ang lahat ng mga nag-register dito. Tuwing araw ng…
Read MoreOFW GUTOM AT WALANG SAHOD, NANAWAGAN SA AHENSYA
Isang kabayani mula sa Dammam, Saudi Arabia ang dumulog sa AKO OFW. Siya si Noraida Usman Kam. Sa kanyang liham na may petsang Hulyo 20, 2019 nakasaad na Marso 2, 1018 nang dumating siya sa banyagang bansa upang magtrabaho na domestic helper sa pamamagitan ng ahensya sa Manila na Athenna Manpower. Subalit ang kanyang buhay bilang domestic helper ay hindi naging madali dahil ibinenta siya ng kanyang amo sa iba. Bukod sa parang laruan na pinagpapasa-pasahan ang ating kabayaning si Noraida ay minalas din itong gutumin ng kanyang naging amo.…
Read MoreOFW SA KUWAIT DINODROGA BAGO GAHASAIN?
Isang sumbong ang nakarating sa akin noong nakaraang Linggo kung saan isang domestic helper sa Kuwait ang umano ay dinodroga muna ng kanyang employer bago halinhinan na halayin ng kanyang employer kasama ang iba pa nitong kaibigan. Para sa kanyang proteksyon ay itago na lamang natin ang ating kabayani sa pangalan na “BPJ” at ayon sa sumbong na kanyang ipinadala ay na-deploy o nakarating s’ya sa bansang Kuwait sa pamamagitan ng PJV Human Resources Service Company habang ang kanyang Kuwait agency naman ay ang Ali Hamad Alenezi for Recruitment of…
Read MoreBAGONG PANANAW PARA SA OWWA BENEFITS NG OFWs, ISUSULONG
Nitong nakaraan Huwebes ay ginanap ang regular na pagpupulong ng OWWA Board of Trustees upang talakayin ang pagpapalakas ng mga programang may kinalaman sa paghahanda sa pagbabalik ng Pilipinas ng ating OFWs o ang mas kilala sa tawag na Reintegration Program. Sa tuwing magsisimula ang pagpupulong ay inilalahad sa aming mga miyembro ng Board of Trustees ang mga kasalakukuyan at mga magaganap na programa. Kabilang na rito an statistics o numero ng mga nabiyayaan ng mga programa ng OWWA. Isa sa nakatawag ng pansin sa akin ay ang lumalaking bilang…
Read MoreMINALTRATO NG 2 AMO
Unang dumating ang kabayani nating OFW na si Alecia sa Saudi Arabia noong Agosto 2018 nang paalisin ng agency na JTC International Manpower services Inc. dito sa Pilipinas. Subalit wala pa itong isang buwan na helper ay dumanas agad ng pagmamaltrato sa poder ng employer na si Hoda Saleh Mohammad Al-Sahrani. Ibinubuhos sa kanya ang mainit na kanin at kumpiskado rin ang cellphone niya. May sandaling hindi rin siya pinapakain. Mula 5 am hanggang 2 am ng susunod na araw kung siya’y magtrabaho. Nakalipat man ng ikalawang employer sa A…
Read MoreREBATE O OFW DIALYSIS CENTER
Marami nang OFWs at maging ang pamilya ng mga ito ang nag-aabang sa ipamamahagi na OWWA Rebate. Ang pagbabahagi ng Overseas Workers Welfare Adminstration (OWWA) Rebate ay hindi isang programa ng OWWA kundi isang pagtalima alinsunod sa batas sa ilalim ng RA10801 o OWWA ACT. Ayon sa binalangkas na patakaran na batay naman sa recomendasyon ng mga ekspertong aktuaryo, ang OWWA ay maaaring magbahagi ng rebate para sa OFWs na miyembro ng OWWA. Tatlo ang batayan para makatanggap ng rebate. Una, dapat ikaw ay miyembro sa loob ng 10 taon.…
Read MoreDOFW, PINAGHAHANDAAN NA RIN NG OFWs
Mistulang piyesta ang mamamayan sa iba’t ibang grupo ng Overseas Filipino Workers, dahil sa magandang kaganapan na kung saan ay marami na ngayong senador at kongresista ang nagsusulong ng pagkakaroon ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW). Sa nakaraang Araw ng Pasasalamat sa OFW noong Hulyo12 ay ipinahayag ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na kanyang ipinangako na bago matapos ang taon ay maitatatag na ang bagong Department of OFW na muli niyang binanggit nitong nakaraang SONA. Kahapon ay inihayag naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na kanyang ipinasok na…
Read More