AHENTE NG MGA AHENSYA, DAGDAG PROBLEMA SA MGA OFW

AKO OFW

Sa tagal ko na bilang isang OFW leader ay ngayon lamang na­ging malinaw sa akin ang kalakaran ng mga ahente ng mga aplikante para sa pag-a-abroad. Kamakailan ay may isang dating ahente ang nakiusap na makipagkita sa akin upang ipagbigay-alam ang mga dati nilang kalakaran noong siya ay isa pang ahente ng mga ahensya sa Maynila. Ayon sa kanya, ang kanilang gawain ay manghikayat sa kanilang probinsiya ng mga aplikante. At dahil siya ay taga-Mindanao, ang kanyang mga nakukuhang aplikante ay nagmumula sa mga liblib na barangay sa kanilang probinsiya…

Read More

OVERSEAS LABOR OFFICERS ACADEMY, ISUSULONG SA DOFW

AKO OFW

Labis-labis na kagalakan ang naramdaman ng overseas Filipino workers (OFWs) matapos na iha­yag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatatag ng Department of OFW sa loob ng taong ito. Gayundin, may OFW community leaders naman ang nababahala na kung halimbawa na maitatag na ang bagong departamento, ay baka kung sinu-sino na lang ang maitalaga para manungkulan dito. Isa sa mga ipinapahiwatig ng kilalang OFW community leaders ay dapat daw na bigyang prayoridad ang OFWs o dating OFW para manungkulan bilang labor attache, assistant labor attache, welfare officers at maging assistant…

Read More

PRES. DUTERTE 3-IN-1 ANG PASASALAMAT SA OFW

AKO OFW

Mistulang naging 3-in-1 ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang pagsasalita sa pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat sa mga OFW na ginanap sa Camp Aguinaldo noong Biyernes. Sa simula pa lamang ng programa ay maraming OFW leaders na nanana­langin na sana ay magbanggit si Pres. Duterte ng mga programa na matagal nang hinihiling ng mga OFW katulad ng Department of OFW at OFW Hospital. Kabilang sa mga ipinahayag niya ay ang mabilis na pagbuo ng mekanismo para sa pagkakaroon ng Department of OFW. Iniutos kay Department of…

Read More

PRES. DUTERTE DADALO SA ARAW NG PASASALAMAT SA OFW NGAYON

AKO OFW

Tuloy na tuloy na ang pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat sa OFW ngayong araw ng Biyernes, July 12, na gaganapin sa Grandstand sa loob mismo ng Camp Aguinaldo sa EDSA, Que­zon City. Ang pagdiriwang na ito ay para sa lahat ng OFW, dati at mga bago pa lamang na magiging OFW at pati ang mga kapamilya nito. Ito ay dadaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung kaya ang lahat ay inaanyayahan na dumalo upang personal na makasa­lamuha ng pangulo ang a­ting mga Bagong Bayani. Nagsama-sama ang iba’t ibang departamento…

Read More

LMB MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN

AKO OFW

Dumulog sa Ako OFW ang isa nating kabayani mula sa Hofuf, Saudi Arabia na si OFW May Lyn Sandel. Ang kanyang ahensya sa Pilipinas ay ang LMB Worldwide Services. Humihingi ng tulong si OFW May Lyn Sandel na makauwi na lamang sa Pilipinas dahil sa masamamg pagtrato sa kanya ng kanyang employer. Diumano ay hindi siya binibigyan ng maayos at sapat na pagkain sa araw araw simula pa noong siya ay dumating sa kanyang employer noong March 20, 2019. Ultimo kamatis at kape na maaari na sana niyang makain para…

Read More

KADAMA FOR RENT SA SAUDI TALAMAK PA RIN

AKO OFW

Dumulog sa Ako OFW sa pamamagitan ng ating volunteer na si Anne Mahinay ang ating kabayani na si May Anna Loveras. Reklamo nito, ibinenta at hindi ibinigay ang kanyang sahod na halos 3,700 riyals. Noong nasa Sharora, ikinulong siya ng kanyang unang amo sa kwarto sa loob ng limang araw ng walang pagkain. Hiniling umano niya sa kanyang amo na uuwi na lamang siya sa Pilipinas ngunit hindi siya pinayagan dahil hindi pa umano siya bayad sa mga nagastos nito sa kanya. Nagpasya si Loveras na tumakas. Paglabas umano niya…

Read More

OFW PINAPAKAIN NG PANIS NG EMPLOYER, EASTERN OVERSEAS MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN

AKO OFW

Dumulog sa Ako OFW ang ating kabayani na si Sheila Mae Castillo upang humingi ng tulong sa kanyang kasalukuyang dinaranas sa Saudi Arabia. Sa pamamagitan ng ating Ako OFW Welfare Volunteer na si Aisya Consulelo ay ipinarating n’ya ang kanyang kumpletong detalye kalakip ang mga larawan ng kanyang kalagayan. Nakakahabag na makita s’ya sa sitwasyon na mistula s’yang itinapon na lamang sa isang palikuran o ng kanilang laundry area, na kung saan ang kanyang tulugan ay katabi mismo ng mga washing machine na may sukat lamang na sapat para makahiga…

Read More

BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITER SA QATAR, TINULUNGAN NG POLO, OWWA AT DSWD

AKO OFW

Isang kaibigan mula sa Community Against Crime Group (CACG) ang dumulog sa akin upang matulungan ang kanyang kapatid na naging biktima ng illegal recruiter sa Qatar. Ayon kay France, ang kanyang kapatid na si Joseph Tumbado ay pumunta sa Qatar sa tulong ng isang recruitment agency. Ngunit nang dumating s’ya sa Qatar ay wala naman palang employer na mapupuntahan. Idinulog n’ya ang kanyang problema sa kanyang ahensya, ngunit ito pala ay matagal nang nagsara at wala na s’yang mahingian ng tulong. Upang makaipon ng pera, para sa kanyang pag-uwi at…

Read More

PASASALAMAT SA OFW SA JULY 12 TULOY NA TULOY NA

AKO OFW

Matapos ang ilan ulit na pagbabago ng petsa para sa pagdiriwang ng Araw ng Pasasalamat sa OFW, ay inanunsyo na ni Duterte Die-hard supporter (DDS) Global Chairperson Gemma Sotto na tuloy na tuloy na itong gaganapin sa July 12, sa AFP Stadium sa loob mismo ng Camp Aguinaldo sa Que­zon City. Bukod sa mga OFW at mga retirado o dating OFW, ay iniimbitahan din ang lahat ng mga kapamilya ng OFWs. Libre ang entrance para sa lahat ng dadalo. Inaasahan din ang pagdalo ng mga opisyal ng DFA, DOLE, OWWA…

Read More