Mistulang hino-hostage ng SSS at PhilHealth ang OFWs dahil gusto nitong itali o gawing sapilitan na magbayad ang OFWs ng kanilang membership bago makakuha ng OEC o Overseas Employment Certificate na isang document na kailangan na maipakita sa Immigration Officers para makalabas ng bansa. Mariing tinutuligsa at tinututulan ito ng halos lahat ng OFW leaders at advocates dahil sa pananaw na mistulang ginagawang gatasan ng iba’t ibang institusyon ang OFWs. Napakadali kasi para sa mga ito na i-hostage ang OFWs dahil sa kagustuhan na makapaghanapbuhay sa ibang bansa at wala…
Read MoreTag: Ako OFW
PANAWAGAN SA RAM ASIA INTERNATIONAL MANPOWER
Isang sumbong ang ipinarating sa akin sa pamamagitan ng ating Ako OFW Inc. Facebook Page at ni Ako OFW Welfare volunteer na si Aisha Consuelo ukol sa hinaing ni OFW Evelyn Lumeran na kasalukuyang nasa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon kay OFW Evelyn, siya ay nakarating sa Riyadh, Saudi Arabia sa pamamagitan ng kanyang ahensya na Ram Asia International Manpower noong Pebrero 18, 2019. Diumano, pagdating n’ya sa kanyang employer na si Mouhdi Abdul Asiz, ay muli siyang pilit na pinapirma ng panibagong kontrata na kung saan ay nakasaad na ang…
Read MorePOLICE ATTACHÈ DAPAT ITALAGA SA EMBAHADA SA KUWAIT
Taong 2007, ay nakausap ko ang dating Ambassador sa Kuwait na si Amb. Ricardo Endaya. Bilang pinuno o chairman ng Filipino Badminton Committee sa Kuwait ay personal kong ipinarating sa kanya ang bawat kahilingan ng kapwa ko OFWs sa Kuwait. Noon ay halos mapuno ang OWWA shelter sa Jabriya dahil sa rami ng distressed OFWs. Kaya aking personal na ipinarating sa kanya ang pagkabahala kaya isa sa aking mungkahi ay ang pagkakaroon ng DSWD Attaché na may kasanayan sa pagbibigay ng counselling at emotional debriefing upang matulungan ang mga biktima…
Read MoreBETERANONG MGA OFW, NAGHIHIMUTOK NA SA OWWA
Maaaring ngayon lamang narinig ng ating mga kababayan ang bansag na “Beteranong OFW.“ Ito ay katagang ginagamit ng ating mga kabayani para tukuyin ang mga dating Overseas Filipino Workers (OFW) na karamihan sa kanila ay nagretiro na. Kasama rin sa hanay na ito ang OFWs na nagkasakit, naparalisa at naratay nang tuluyan habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang himutok ng mga kapwa advocates at OFW leaders ay kung bakit mas binibigyang halaga o pansin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga isyu sa distressed workers lalo na ang mga…
Read MoreOWWA NAGKALOOB NG TULONG KAY OFW EMERLITA GONZALES
Kahabag-habag ang naging itsura ng bangkay ni Emerlita Gonzales noong siya ay aking nakita habang inaayos pa sa punerarya ang kanyang mga labi. Magugunita na si Gonzales ay isa sa mga OFW na tumakas sa kanyang malupit na employer at tumakbo sa Bahay Kalinga sa konsulado ng Jeddah, Saudi Arabia at inatake sa puso na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Halos buong araw na inantay ng pamilya ang pagtunaw ng yelo na bumalot sa buong katawan ni Gonzales na nasa morge sa Saudi Arabia simula pa noong Enero. Halos magkatabi-tabingi…
Read MoreBANGKAY NI EMERLITA GONZALES, NAIUWI NA SA PILIPINAS
Bukas ay ang aking unang pagdalaw at pagdalo sa tangapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa regular na flag raising ceremony sa imbitasyon ni OWWA Adminsitrator Hans Cacdac. Sa aking unang pakikipagpulong kay Administrator Cacdac ay kasama ko ang anak ni Emerlita Gonzales, ang OFW na namatay dahil sa atake sa puso sa loob mismo ng Bahay Kalinga. Matatandaan na noong nakaraang artikulo ng Ako OFW ay nanawagan ako sa mga kinauukulan upang mabigyan ng pansin at aksyon ang madaliang pagpapauwi ng bangkay ni Emerlita na halos dalawang…
Read MoreBANGKAY NI EMERLITA GONZALES, NAIUWI NA SA PILIPINAS
Bukas ay ang aking unang pagdalaw at pagdalo sa tangapan ng Overseas Workers Welfare Admi¬nistration (OWWA) para sa regular na flag raising ceremony sa imbitasyon ni OWWA Adminsitrator Hans Cacdac. Sa aking unang pakiki¬pagpulong kay Administrator Cacdac ay kasama ko ang anak ni Emerlita Gonzales, ang OFW na namatay dahil sa atake sa puso sa loob mismo ng Bahay Kalinga. Matatandaan na noong nakaraang artikulo ng Ako OFW ay nanawagan ako sa mga kinauukulan upang ma¬bigyan ng pansin at aksyon ang madaliang pagpapauwi ng bangkay ni Emerlita na halos dalawang…
Read MoreESCROW DEPOSIT DAPAT NANG IPATUPAD NG POEA
Kamakailan ay nabalot ng lungkot at galit ang mga OFW dahil sa napabalitang pagkamatay ng isang OFW sa Kuwait na si Constancia “Connie” Dayag. Matapos lamang ng ilang linggo ay may napabalita na namang isang OFW sa Kuwait na namatay din sa Al Adan sa Kuwait na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin malinaw ang sanhi nito. Dahil dito, ay samu’t sa¬ring reaksyon ang lumabas sa social media kabilang na ang panawagan sa mu¬ling pagdeklara ng deployment ban ng mga household service workers (HSW) sa Kuwait. Ang Ako OFW…
Read MoreADVISORY COUNCIL BINUO PARA SA KAPAKANAN NG MGA OFW
Pagkatapos ng halos dalawang taon na paghihintay matapos ang OWWA Selection Committee panel interview noong Hunyo 2017, ay pormal na akong manunumpa sa Malacañang sa harap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang bagong miyembro ng Board of Trustee ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Taliwas sa inaakala ng maraming OFW, ang pagiging isang miyembro ng Board of Trustee ay hindi isang hanapbuhay na maituturing, dahil wala naman itong regular na sweldo na matatangap. Ang tanging kagustuhan ko lamang o inte¬res sa pagiging miyembro nito ay upang masiguro na maririnig ang…
Read More