MULING nagbuga ng abo kahapon ang Bulkang Mayon subalit ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) walang dapat na ipangamba dahil walang dahilan para itaas ang alert level nito. Ayon kay Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta, mananatili sa Alert Level 2 ang alert status sa Bulkang Mayon na nangangahulugan na nasa moderate level of unrest. Paliwanag ni Laguerta saglit lamang ang naging pagbuga ng abo na nagsimula alas 8:30 ng umaga at natapos makalipas ang 15 minuto. Ani Laguerta, mababaw lamang ang pinangagagalingan ng abo at hindi galing…
Read More