Mahalaga ang propesyonalismo sa serbisyo para sa ating uniformed personnel sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) gayundin sa iba pang sangay ng seguridad. Pero sadyang mayroon talagang ilang bugok sa hanay na kung hindi agad maihiwalay ay malamang damay ang iba pa sa kanilang kabuktutan. Kinang ng salapi ang sumisira sa propesyonalismo, pero iilan lang naman ang nabibiktima nito. Mas marami pa rin ang tapat sa kanilang tungkulin na sundalo at pulis. Isang halimbawa ay ang agarang aksyon ni PNP chief General Oscar Albayalde…
Read MoreTag: BAGO TO!
KUMUSTA NA ANG AFP MODERNIZATION?
Sa dinami-rami ng mga isyung kinakaharap ng ating bansa, una na riyan ang pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS), ay tila nawala na rin sa spotlight ang usapin ng moder-nisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Saang antas na kaya ang modernisasyong ito? Kamakailan ay may ilang opisyal ng AFP na aking nakausap at ang kanilang sinasabi ay napakabagal talaga ang pag-usad ng programa na disinsana’y malaki na dapat ang inaa-ngat simula pa ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Ang sabi ng ilan, mukhang may mga…
Read MoreKAMPANYAHAN SA LOKALIDAD, DAPAT MAPAYAPA
Sa Marso 29, aarangkada na ang kampanyahan sa lokalidad para sa mga probinsiya, bayan at siyudad at sana maging payapa at hindi madiligan ng dugo ang Halalang 2019. Ibayong pag-iingat pa rin ang dapat gawin ng mga kandidato para sa kanilang sarili dahil sa napakaruming politika sa ating bansa. Mahalaga na bawat mamamayan ay bantayan ang kanyang boto para sa kanilang kandidato pero mahalaga rin ang buhay ng bawat isa. Ito ang hamon para sa Commission on Elections (Comelec) kung paano nito paganahin ang lahat ng kanyang puwersa kasama na…
Read More202ND: BEST ARMY BRIGADE
Ang mga miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988 na nasa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay papalapit na rin sa rurok ng kanilang serbisyo. Ilang taon na lamang at sila’y balik na rin sa pagkasibilyan, retired na. Karamihan sa mga miyembro ng Maringal class ay nasa Philippine Army kung kaya masikip na masikip ang posisyunan para sa kanila sa mga tinatawag na most-coveted position gaya ng Chief of Staff, Army chief, Air Force chief, at Navy chief, at iba pa. Gaano man sila karami mayroon…
Read MoreMARUMING POLITIKA SA MARILAO
Habang papalapit ang simula ng kampanyahan sa Marilao, Bulacan ay umiinit naman ang paninira ng ilang kandidato sa kapwa nilang kandidato. Nitong nakaraang araw nga ay kinanyon ng sinlaki ng kamao ng hindi pa nakikilalang salarin ang pagtitipon na ginanap sa Barangay Ibayo kung saan hinarap ito ng kandidato sa pagkamayor na si Atty. Jemina Sy, ang tinaguriang “Batang Dalubhasa”. Buti na lamang at walang tinamaan nang malubha sa ipinukol na bato na lumusot sa trapal mula sa itaas, may mga bata pa mandin sa pagtitipon. Pero sa pagtalbog ng…
Read MorePEACE CAMP AT ALAGANG KAPATID SA PILING NG MGA KATUTUBONG AETA NG SAPANG UWAK
Ang magbigay ng kahit kaunting ayuda o tulong sa mga kapuspalad nating katutubong Aeta sa Barangay Sapang Uwak Porac, Pampanga ay nagpapakita ng pagkalinga, malasakit at kasersoyohan ng Alagang Kapatid Foundation Inc. Maraming salamat AKFI sa pangunguna ni Ms. Menchie Silvestre kasama si Claire Jacob ng Sales Department at Production ng AKFI! Higit na nagpapasalamat din ang TV5 group sa pamunuan ng Peace Camp sa pangunguna ni retired Army Colonel Samuel Sagun. Ang Peace Camp ay isang rehistrado at lehitimong grupo na nagtataguyod ng kapayapaan, edukasyon, pagkakaisa at malasakit para…
Read MoreP506.1-M UTANG NG ‘PERYAHAN’ SA PCSO
MAHIGIT kalahating milyong piso o eksaktong P506,193,974.26 ang naipon nang halaga na dapat bayaran ng Globaltech Online Gaming Corp., ito ay batay sa estimasyon ng Branch Operations Sector ng Philippine Cha-rity Sweepstakes Office (PCSO). Ang halaga ay kasama na ang “penalty charges”. Ang halagang ‘yan ay marami sana ang matutulu-ngan na mga kababayan nating maysakit at kapuspalad na maaayudahan ng PCSO. Ang Globaltech ang pasimuno sa kontrobersyal na “peryahan ng bayan” kahit na ito ay mahigpit na pinagbabawalan ng PCSO dahil pumaso na ang Deed of Authority (DOA) ng natu-rang kompanya…
Read MoreILLEGAL GAMBLING, UMARANGKADA
Hindi aarangkada ang ilegal na sugal kung walang proteksyon mula sa mga taong tiwali sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Pati ilang tiwaling hukom ay gusto ring makakurot mula sa ilegal na sugal. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang naiirita sa mga tiwaling ito na patuloy na nangungurakot gamit ang kanilang kapangyarihan sa gobyerno. Kung walang kokontra sa mga tiwaling ito ay patuloy ang kanilang “halakhak tungo sa bangko” para ideposito ang katas ng payola mula sa illegal numbers game gaya ng jueteng dito sa Luzon, swertres at masiao…
Read More