BUHAY NA BAYANI SI PACQUIAO

BAGWIS

KAMAKAILAN ay lumabas sa mga balita na may dalawang true-to-life story ng mga bayani ang gagampanan ng ating “Pambansang Kamao” na si Sen. Manny Pacquiao. Ang una ay ang ginawang biopic para sa ating magi­ting na bayani na si Gene­ral Miguel Malvar at ang isa naman ay ang Hollywood biopic ni Col. Macario Peralta na i­tinuturing na bayani noong World War II. Gaya ng tipikal na Pinoy, may mga kababayan tayong bumabatikos kay Sen. Pacquiao dahil sa kanyang pagganap sa ating mga pinagpipitagang mga bayani. Pumapalag din ang mga kamag-anak…

Read More

SEGURIDAD SA RIZAL LALONG LUMALALA

BAGWIS

ILANG beses na rin nating binabatikos ang kawalan ng aksyon ng Rizal Provincial Police Office at itong Provincial government ng Rizal sa napakaraming reklamo tungkol sa lumalalang peace and order situation sa buong lalawigan. Partikular dito, sa bandang Antipolo at sa mga bayan na binabagtas ng Marilaque Highway. Halos linggu-linggo ay may nababalitaan tayong mga kababayan na nabibiktima ng mga riding-in-tandem na mga holdaper at snatcher sa may Marilaque at sa bandang Sumulong at Ortigas Extension (Tikling) patungong Antipolo. Personal sa atin ang isyung ito sapagkat marami sa mga biktima ay mga…

Read More

IN DENIAL PA RIN

BAGWIS

Kahapon ay pinanindigan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na siya ay magku-commute papasok sa Malakanyang upang patunayan umano na walang transportation crisis. Magmula Marikina ay nag-jeep ito hanggang Cubao at mula Cubao naman ay sumakay ito sa LRT-2 bago umangkas sa motor hanggang sa kanyang opisina. Inabot ito nang halos apat na oras papunta pa lang sa kanyang opisina samantalang hindi pa siya dumaan sa EDSA. Ngunit sa halip na magkaroon siya ng self-realization sa araw-araw ng sakripisyo ng ating mga kababayan ay lalo pang ipinagyabang na walang transportation crisis…

Read More

SI GRACE POE NA

BAGWIS

Sinasabotahe nga ba ni Sen. Grace Poe ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang traffic sa Kamaynilaan? ‘Yan ang ating katanungan sapagka’t napaghahalata natin na pilit inililihis ni Sen. Poe sa tamang direksyon ang Duterte administration pagdating sa usapin tungkol sa mga solusyon upang masolusyunan ang mala-delubyong problema sa traffic sa Metro Manila. Nauna na rito ang pagkontra ni Poe sa hinihi­nging emergency powers ng Malakanyang upang makapagpatupad ng mga polisiya at proyekto ang Department of Transportation upang maibsan ang tinatawag na carmageddon lalong-lalo na sa EDSA. Okay…

Read More

MGA BATAS KONTRA ASO AT PUSANG GALA

BAGWIS

There’s an endless debate about LGUs catching stray dogs and cats that are eventually killed by way of euthanasia. Sabi nila wala raw puso ang mga LGU with matching mura pa. Bakit daw hinuhuli, inilalagay sa pound at pinapatay ang strays? May dalawang batas na sumasakop sa mga usapin tungkol sa kapakanan at sa pag-aalaga ng mga hayop. Take note that these laws were created to protect not just animal welfare but also public interest. One is Republic Act 8485 or the Animal Welfare Act and the second is Republic…

Read More

MGA BUGOK NA PULIS-PASAY

BAGWIS

Kahit anong gawin at kahit gaano katino ang mga namumuno ng PNP na gaya ni General Oscar Albayalde at NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar kung bugok ang mga nasa ibaba ay hindi talaga gaganda ang imahe ng ating kapulisan. Gaya na lang itong mga pulis na nakatalaga sa Police Community Precinct 2 (Buendia station) ng Pasay City Police na siyang mga pasimuno ng mga kawalanghiyaan sa Pasay. Halimbawa na lang noong Miyerkoles ay nagsagawa ng diumano’y “clearing operation” itong mga bataan ng mamang ito sa pumumuno ng isang pasaway…

Read More

ABUSADONG SHIPPING LINES

BAGWIS

Maliban sa mataas na buwis, alam niyo ba na ang isa sa mga dahilan kung bakit napakataas ang pre­syo ng mga imported na mga produkto ay dahil sa napakalaking raket ng shipping lines at mga ahente nito? Ito ngayon ang nais busisiin ni Rep. Ronnie Ong ng Ang Probinsyano Party-list sapagkat napakarami na umano ang dumadaing sa kanya dahil sa mga hindi makatwirang singil ng shipping companies at ng mga ahente nito. Binigyang halimbawa ni Ong ang sinisingil na destination charge ng shipping companies sa mga ipinapakarga sa kanilang mga…

Read More

TUNAY NA LINGKOD-BAYAN

BAGWIS

Bagama’t wala na sa pamahalaan ay aktibo pa rin sa paglilingkod sa bayan itong si dating DILG Secretary Mel Senen Sarmiento. Iba talaga kapag nananalaytay sa iyong dugo ang serbisyo publiko kaya’t hindi na ako nagtaka noong malaman natin na aktibo pa rin siya sa pagtulong sa ating mga kababayan. By the way, alam ninyo ba na itong si Secretary Sarmiento ang orihinal na may-akda at ang may orihinal na konsepto sa ni­lagdaan kamakailan ni Pa­ngulong Duterte na Republic Act 1392 na nagbibigay sa limang national performing arts companies (NPAC)…

Read More

LALO PANG NABAON SI CARDEMA

BAGWIS

‘Di ko malaman kung ano ba itong si dating National Youth Commission Chair Ronald Car­dema. Sa halip na ilagay sa tama ang kanyang mga ginawang kabulastugan dahil sa kanyang pagpupumilit na maging miyembro ng Kongreso ay lalo pa ito ngayong nababaon sa sangkatutak na kaso. Kung tutuusin ay wala na sanang problema itong si Cardema kung hindi umiral ang kanyang pagiging sugapa sa kapangyarihan. Pasok na ang kanyang asawa bilang kinatawan ng kanyang party-list na Duterte Youth. Pasok ang kwalipikasyon ng kanyang asawang si Ducielle Marie kaya’t wala na sanang…

Read More