Ano itong nababalitaan ko na gumagalaw ngayon ang kampo ni ex-Mayor at ex-President Erap upang maisalang sa recall election itong si Mayor Isko Moreno? Ayon sa ilang source ay nililigawan ngayon ng ilang maka-Erap itong mga Barangay Chairman ng Maynila upang paghandaan na ma-recall si Isko. Marami sa mga kapitan ng barangay ngayon sa Maynila ay parang mga basang sisiw dahil nawalan sila ng mga hanapbuhay dahil sa mga ginawang kampanya ng bagong pamunuan laban sa mga illegal vendor, illegal parking, illegal terminal at illegal gambling. Kung noon ay laging…
Read MoreTag: BAGWIS
PAKITANG-TAO LANG ANG ILANG METRO MAYOR
Sa kanyang ginawang State of the Nation Address ay nagpalabas ng ultimatum si Pangulong Duterte sa mga pakaang-kaang na mga pinuno ng mga lungsod sa Metro Manila na kanilang lalansagin ang illegal vendors at mga nakaparadang mga sasakyan at iba pang uri ng mga harang sa mga kalsada. Bago pa man ay naging laman ng balita itong si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa kanyang matagumpay na clearing operation laban sa illegal vendors sa kanyang nasasakupan. Nitong katapusan naman ay naglabas ng kautusan ang Department of Interior and Local Government…
Read MoreITIGIL NA ANG MGA LAND CONVERSION
Isa sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ay itong patuloy na pagkaubos ng mga lupaing pansakahan sa ating bansa. Walang pakundangan ang mga ginagawang land conversion ng mga lupaing pang-agrikultura upang ito ay maging mga subdivision at industrial zone. Idagdag mo pa rito ang ang patuloy na pananamlay ng ating mga kababayan upang sakahin at linangin ang kanilang lupaing pansaka dahil sa naging desisyon ng pamahalaan na alisin ang quantitative restriction sa pag-angkat ng mga bigas na galing sa ibang bansa. Unti-unting namamatay ang ating sektor…
Read MoreMAG-INGAT SA BINIBILING ELECTRONIC GOODS SA LAZADA AT SHOPEE
Gaya ng napakarami nating mga kababayan ay nakakagawian ng inyong lingkod ang pamimili ng mga gamit at kung anu-ano sa online selling mobile apps gaya ng Lazada at Shopee. Napakalaking ginhawa naman kasi ang online shopping dahil ‘di mo na kailangang mabalahura sa traffic at ‘di ka gagastos sa gasolina kaya nawiwili tayo na mag-bargain hunt sa online portals na ito. Okay pa naman noong una dahil may kalidad naman ang ating mga nabibiling produkto ngunit nitong mga nakalipas na buwan ay tila dinagsa na ng mga mandarambong na third-party…
Read MoreMAY MODUS ANG PAL?
Kamakailan ay naging viral ang isang video ni American Youtube singing sensation David Dimuzio na nagrereklamo dahil sa palpak na timbangan sa check-in counter ng Philippine Airlines (PAL) na siyang flag carrier ng ating bansa. Sa mga hindi nakaaalam, nakilala itong si Dimuzio sa Youtube dahil sa husay nito sa pagkanta at lalo pang minahal ito ng kanyang mga Pinoy fans dahil sa kanyang mga Pinoy songs. Dahil sa laki ng fan base ni Dimuzio sa Pinas ay pabalik-balik ito sa ating bansa upang mag-perform at gumawa ng kanyang mga…
Read MoreNAKAKAINIS SI ISKO
Sa totoo lang hindi ako natutuwa rito sa mga pinaggagawa ngayon ni Mayor Isko Moreno sa Maynila. Wala pang isang buwan siyang nakauupo bilang mayor eh ang dami na niyang nagawang pagbabago para sa kanyang mga nasasakupan. Maging ang mga dumi ng tao sa monumento ni Andres Bonifacio ay nalinis na niya. Nagawa na rin niyang maaliwalas ang Quiapo at Divisoria. Halos araw-araw ay nakikita natin si Isko na umiikot sa kanyang mga nasasakupan upang tingnan kung paano niya mapabubuti ang kaayusan sa kanyang lungsod. Nakakainis na ‘yan! Sobra na…
Read MoreKAILANGANG AMYENDAHAN ANG ANTI-DRUNK AND DRUGGED DRIVING LAW
Halos araw-araw ay may mga nababalitaan tayong kaso ng mga naaarestong mga driver ng GRAB, bus, jeep, tricycle at iba pang mga pampublikong sasakyan kapag may mga isinasagawang mga anti-drug operation. Tila lalong dumarami ang durugistang public utility drivers matapos alisin ang drug test bilang isa sa mga requirement ng mga kumukuha o kaya ay nagre-renew ng kanilang mga driver’s license. Ang dahilan nila ay kinakailangan nila umano ang mag-droga upang manatili silang alerto habang nagmamaneho. Ang hindi nila sinabi ay nawawala rin sila sa sarili habang nagmamaneho dahil sa…
Read MoreLABANAN SA SPEAKERSHIP
LALONG gumanda ang bakbakan para sa speakership sa Kamara matapos magpahayag si Pangulong Digong na hindi na siya mag-eendorso ng taong mailuluklok bilang pangatlo sa pinakamakapangyarihang opisyal ng pamahalaan. Traditionally, ang speaker ay matatawag na “President’s choice.” Bagama’t nakasaad sa Saligang Batas na isang independent body ang Mababang Kapulungan at hindi ito nasasaklawan ng kapangyarihan ng pangulo, kontrolado naman nito ang distribusyon ng mga pondong nakalaan sa ating mga distrito. Kapag ‘di kakampi ng Ehekutibo, mamumuti muna ang mata ng isang kongresista bago ma-release ang tinatawag na Special Allotment Release…
Read MoreHUWAG SISIHIN ANG MGA MANGINGISDA
NITONG mga nakalipas na araw ay umaatikabo ang balitaktakan tungkol sa barko ng mga mangingisdang Pinoy na binangga at pinalubog ng barko ng mga Chinese. Bakas natin ang pagkadismaya ni Defense Secretary Delfin Lorenzana at sinabi nito na ang pangyayari ay hindi katanggap-tanggap at kailangang panagutan ng pamahalaan ng Tsina. Ngunit biglang nagbago ang kuwento noong nagsalita na si Pangulong Duterte at sabihin na ang pangyayari ay isang simpleng “maritime incident” na hindi na dapat palakihin. Nagbabala pa ang pangulo na maaaring pagsimulan pa ng gulo ang naturang pangyayari kaya’t…
Read More