Bago pa pumutok itong isyu tungkol sa KAPA (Kapa Community Ministry International) ay naging bahagi na ito ng ating kolum noon pang Pebrero. Noon pa man ay alam na natin na puputok ito gaya ng iba pang mga pyramiding scam. Ang kaibahan lang ng scam ng KAPA ay mas sopistikado ang ginawang panloloko nitong si Joel Apolinario na siyang utak sa likod ng naturang grupo. Ito ang dahilan kung bakit kahit harap-harapan nang niloloko ang mga miyembro nito ay todo pa rin ang ginagawang pagtatanggol sa kanya. Alam ni Apolinario…
Read MoreTag: BAGWIS
SPAKOL
Madalas nating napapanood sa balita ang mga tinatawag na mga “spakol” na nire-raid ng mga pulis. In the meantime, ‘yung mga spa na may mga tinatawag namang all-the-way ay pawang mga untouchables. Para sa mga hindi nakakaalam, ang “spakol” ay mga spa na nag-aalok ng extra service maliban sa masahe ngunit itong mga spa naman na may all-the-way ay talagang nakikipagtalik ang mga therapist at wala nang masa-masahe. Basta pagpasok mo sa kwarto, aalukin ka na agad mag-sex. ‘Yan ay kwento lang naman sa akin ng aking kaibigang si Jonathan…
Read MoreMTPB DAPAT UNANG LINISIN NI ISKO
SA nalalapit na pag-upo bilang bagong Mayor ng Maynila ay napakaraming mga problema ang kailangang harapin at ayusin itong si Isko Moreno. Matagal ding panahon na nasalaula ang Lungsod ng Maynila kung kaya’t ito ay napag-iwanan na ng ibang mga lungsod. At kung gusto ni Isko na manatili ang tiwala ng mga Manileño sa kanya ay kailangan niyang ipamalas ang kanyang galing at katapatan bilang isang pinuno ng bayan. Kinakailangan niyang burahin ang lahat ng bahid ng mga kapalpakan at kabaluktutan ng pamunuan na kanyang pinalitan. Halimbawa ay itong Manila Traffic…
Read MoreMOVE ON NA
TAPOS na po ang eleksyon. Move on na tayo at tanggapin ang desisyon ng mas nakararami. ‘Yan ang kahulugan ng demokrasya — ang desisyon ng mayorya ang mananaig at hindi ang kagustuhan ng iilan. At kung ano man ang kalalabasan nito sa hinaharap ay kagustuhan din ‘yan ng nakararami. Sa totoo lang nakakatawa ang mga balitaktakan sa social media. ‘Yung ibang hindi matanggap na talo ang kanilang mga manok ay tinatawag na mga bobo at walang mga pag-iisip ang mga bumoto sa ilang kandidato. Maaaring sa tingin natin ay hindi…
Read MoreMALING AKALA NI ERAP
NAKAKATAWA ang reaksyon nitong si dating convicted President at ex-Manila Mayor Erap Estrada noong malaman niyang inilampaso siya ni Mayor-elect Isko Moreno. Hindi raw kapani-paniwala na matatalo siya dahil lagi naman daw siyang lamang sa mga survey. Ang hindi alam ni Erap ay nai-scam siya ng kanyang mga bataan. Palibhasa ay matanda at halatang hindi na ito nakakapaglibot sa kanyang nasasakupan ay umaasa na lang siya sa mga sinasabi ng kanyang mga tauhan. Pati nga survey na pinapakita sa kanya ay puro gawa-gawa kaya hindi na napupulsuhan ni Erap ang kanyang mga…
Read MoreMAMILI NANG TAMA
ELEKSYON na naman sa Lunes at gaya ng dati, pipili na naman ang sambayanan ng iluluklok nila sa poder ng kapangyarihan. Kanya-kanyang gimik at pakulo itong ating mga kandidato upang makakuha ng boto at milyon o baka bilyon pa ang kanilang ginugugol na salapi kapalit ng kapangyarihan. At gaya rin ng dati, pagkatapos ng eleksyon sa Lunes ay balik tayo sa kabi-kabilang reklamo kung paano pinapatakbo ng ating mga lider ang ating pamahalaan. At gaya pa rin ng dati ay todo kayod naman itong ating mga iniluklok na politiko upang…
Read MoreIWASAN ANG MGA SERBISYO NG SKYCABLE
Kung ikaw ay nagbabalak na magpakabit ng cable TV o dili kaya ay internet iwasan ninyo itong SkyCable dahil iba ang ginagawa nito sa kanilang mga customers. Noong nag-aalok pa ng serbisyo itong SkyCable ay halos ipangako nito ang langit upang ikaw ay mag-subscribe. Kung anu-anong mga dagdag na serbisyo at discount ang inialok nito kaya naman madali tayong naengganyo na gamitin ang kanilang serbisyo. Ngunit habang nagtatagal ay lalo ring nagiging iba ang serbisyo nitong SkyCable. Madalas ay wala kang mapanood sa kanilang Cable TV dahil sira at lalung-lalong…
Read MoreNASUSUNOD BA ANG ATING BUILDING CODE?
Nitong mga nakalipas na araw ay niyanig ng lindol ang iba’t ibang bahagi ng bansa. Dahil dito ay muli na namang lumabas ang isyu tungkol sa mga ipinapatupad na mga safety standards sa mga gusali. Kung ating titingnang mabuti ang ating umiiral na National Building Code of the Philippines, isa sa mga requirements sa pagpapatayo ng isang mataas na gusali ang pagkakaroon ng seismic recording and instrumentation machine. Sa pamamagitan ng makinang ito ay agarang magbibigay ito ng alarma kapag may naramdaman iyong pag-uga ng lupa depende sa lakas nito.…
Read MoreSALAULA TAYONG MGA PINOY
(HULING BAHAGI) Nitong nakaraang kolum natin ay ikinuwento natin ang kawalan ng disiplina ng ilan sa ating mga kababayan sa bayan ng Sagada. Ito ‘yung mga naninigarilyo kahit sa pampublikong lugar at mga nagtatapon ng basura kung saan-saan sa halip na ilagay ito sa tamang lagayan. Ganitung-ganito rin ang ating obserbasyon sa isla naman ng Bantayan sa lalawigan ng Cebu. Pasimuno ang ating mga kababayan sa pagiging salaula. Ang nakakalungkot ay napakaganda nitong Bantayan. Pino at maputi ang mga dalampasigan at napakarami ang maaaring pasyalan maliban pa sa mga inaalok…
Read More