(NI ABBY MENDOZA) KASUNOD ng inaasahang landfall ng bagyong Ramon, ilang lugar ang isinailalim na sa Storm Warning Signal No 2 ng Philippine Atmospheric and Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa). Ayon sa Pagasa, napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito. Itinaas na ang Storm Signal No 2 sa Cagayan, Northern portion ng Isabela, Apayao, Kalinga at Northern portion ng Ilocos Norte. Ayon sa PAGASA ang mga nasa signal No 2 ay makakaranas ng lakas ng hangin na aabot sa 61kph hanggang 120kph sa loob ng 24 oras. Nasa Signal No 1 naman…
Read MoreTag: bagyo
BAGYONG ‘RAMON’ BUMAGAL; 1 PA NAKAABANG
(NI JEDI PIA REYES) NAPANATILI ng bagyong Ramon ang lakas nito habang mabagal na kumikilos patungong Cagayan area. Batay sa huling severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga tatama sa kalupaan ang bagyo sa dulong bahagi ng Cagayan province. Inaasahang babayuhin ng bagyong Ramon ang Northern Luzon sa Martes bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkoles. Ibinabala ng PAGASA ang mga pag-ulan simula sa Linggo hanggang Lunes. Huling namataan ang mata ng bagyo…
Read MoreSA LOOB NG 48-ORAS, ‘RAMON’ LALAKAS PA
(NI ABBY MENDOZA) TULUYAN nang naging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa Virac, Catanduanes at pinangalanan itong bagyong Ramon, ang ika 18 bagyo na pumasok sa bansa. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay huling namataan 835km Silangan ng Virac, Catanduanes at 685 km Silangan ng Borongan City sa Eastern Samar. Kumikilos ito sa bilis na 10kph taglay ang lakas ng hangin na 55kph at bugso na 77kph. Lalakas at magiging tropical storm ang bagyo sa loob ng 48-oras kung saan unang isasailalim…
Read MoreSEVERE TROPICAL STORM NA SI ‘QUIEL’
(NI ABBY MENDOZA) ITINUTURING nang isang severe tropical storm ang bagyong Quiel na maghahatid ng pag-uulan subalit hindi magla-landfall. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) huling namataan ang bagyo sa Coron, Palawan, kumikilos ang bagyo sa bilis na 15kph, taglay ang lakas ng hangin na 95kph at bugsong 115kph. Nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-uulan sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro provinces, Antique, Iloilo at Guimaras. Nagbabala ang PAGASA ng pagbaha at landslide sa lugar dahil sa…
Read MoreBAGONG BAGYO BINABANTAYAN
(NI KIKO CUETO) MAY binabantayan na bagong sama ng panahon ang Pagasa sa loob mismo ng Philippine area of responsibility (PAR). Namataan ang Low Pressure Area 940 kilometers east-southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur. Sinabi ni Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, maliit naman ang tsansa na maging isa itong bagyo. Pero magdadala ito ng ulan sa bahagi ng Bicol Region, Visayas at Mindanao ngayong araw. Ang northeast monsoon o amihan ang magdadala naman ng ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley. Maaliwalas na panahon naman ang aasahan…
Read MorePERLA NAKALABAS NA; BAGONG BAGYO MINOMONITOR
(NI KIKO CUETO) NAKALABAS na ng Philippine area of responsibility ang Bagyong Perla, pero may binabantayan na mas malakas na bagyo ang Pagasa sa bahagi ng Pacific coast. Ang Bagyong Perla ay huling namataan 1,215 kilometers northeast ng Luzon northern tip at may maximum sustained winds na papalo sa 110 kilometers per hour at pagbugso na aabot sa 135 kph. Papunta ito sa direksyon ng Japan. Ayon naman kay Pagasa weather specialist Loriedin Dela Cruz, binabantayan nila ang Bagyo na may International name na “Bualoi.” Huling namataan ang bagyong Bualoi…
Read MoreLAKAS NI ‘PERLA’ WALANG EPEKTO SA BANSA
(Ni KEVIN COLLANTES) Lumakas na at tuluyang naging isang severe tropical storm si Bagyong Perla, na may international name na Neoguri, at kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometer per hour (kph). Sa kabila naman nito, sinabi ng PAGASA na kahit lumakas pa si ‘Perla’ ay wala pa rin naman itong direktahang epekto sa alinmang bahagi ng bansa. Ayon sa weather bureau, makakaranas lamang ng minsang pagsungit ng panahon sa extreme Northern Luzon hanggang sa mga unang araw ng susunod na linggo dahil sa epekto ng pagpasok ng amihan.…
Read MoreLPA NAGING BAGYO NA – PAGASA
GANAP nang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at pinangalanang bagyong Perla. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration(PAGASA) ang bagyong Perla ay huling namataan sa Baler, Aurora, taglay nito ang lakas ng hangin na 45kph at bugso na 55kph, kumikilos ito sa bilis na 20kph. Inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyon ng Northern Luzon ay inaasahang hihina ito dala ng hanging amihan. Sinabi ni PAGASA weather specialist Lorin dela Cruz na hindi paborable sa mga bagyo at LPA…
Read MoreSUPER BAGYONG HABAGAT ‘DI DADAAN SA PINAS
(NI KIKO CUETO) PATATAWARIN ng super bagyo na Habagat ang Pilipinas at hindi ito ang hahagupitin ng lakas nito, ayon sa PAGASA. Sinabi ng PAGASA na mahina ang posibilidad nang pumasok sa Philippine area of Responsibility (PAR), ang naturang super bagyo. Ang naturang weather disturbance, na ayon sa Joint Typhoon Warning Center (JTWC), ay super typhoon, ay papunta sa direksyon ng Japan, kayat hindi ito babayo sa Pilipinas. Kasalukuyan nitong tinatahak ang northwestern Pacific Ocean at huling namataan 2,020 kilometers east ng northern Luzon, ayon kay weather specialist Meno Mendoza.…
Read More