(Ni FRANCIS ATALIA) MALAKAS na pag-ulan ang ibinabala ng PAGASA matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressure area (LPA) sabado ng umaga. Namataan ang LPA, Sabado ng hapon, 585 kilometers east southeast ng Hi-natuan, Surigao del Sur. Ayon sa PAGASA, tatawaging bagyong Amang ang LPA kapag naging tropical depression ito sa loob ng 24 oras. Posibleng mag-landfall ang LPA sa Surigao del Norte mainland-Siargao Islands sa Linggo. Nararasan na sa Caraga, Davao Oriental, Compostela Valley, Camiguin at Misamis Oriental ang katamtaman hanggang malakas na ulan…
Read More