(NI KEVIN COLLANTES) MADARAGDAGAN ng tatlo pang bagong istasyon ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) patungo sa shopping district ng Maynila. Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), nakaplano na ang konstruksiyon ng LRT-2 West Extension Project, na popondohan ng pamahalaan ng P10.1 bilyon at target nilang makumpleto sa taong 2023. Sa ilalim ng proyekto, daragdagan ang kasalukuyang linya ng LRT-2 ng tatlo pang istasyon, sa Tutuban, Divisoria at Pier 4 sa Maynila. Anang LRTA, sakaling matapos na ang konstruksiyon ng proyekto ay aabutin na lamang ng limang minuto…
Read More