(NI BETH JULIAN) NANINIWALA ang Malacanang na may kasabwat si Peter Joemel Advincula para sirain ang pamilya Duterte. Ito ang reaksyon ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, matapos lumutang sa Intergrated Bar of the Philippines (IBP) si Advincula na nagpakilalang si alyas Bikoy. Gayunman, sinabi ni Panelo na tila hindi namamalayan ng IBP na nagagamit sila ng isang manloloko sa katauhan ni Advincula. Giit pa ng opisyal, sumingaw ang baho ni Advincula matapos mabatid na marami itong criminial records tulad ng large scale estafa, illegal recruitment at pagnanakaw. Ito ay…
Read MoreTag: Bikoy
PAGDAKIP SA UPLOADER NI ‘BIKOY’ MALAKING TULONG – PNP
(NI NICK ECHEVARRIA) MALAKING tulong sa Philippine National Police (PNP) ang pagkakadakip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa nag-upload ng video ni alyas “Bikoy” para matunton ito ng mga awtoridad. Sinabi ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac, aalamin nila kay Rodel Jayme kung sino ang nasa likod at saan nakuha ang ini-upload na mapanirang video na pinamagatang “Ang Totoong Narcolist” na nag-uugnay sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang pamilya sa iligal na droga. Sa “Oust Duterte Matrix” ng Malakanyang, lumalabas na si ‘Bikoy’ang nasa likod na nabunyag na…
Read MoreBANTA NI DIGONG: BUBUWELTAHAN KO KAYO ‘BIKOY’!
(NI CHRISTIAN DALE) MAGLALABAS si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng “intelligence report” mula sa ibang bansa na nagpapakita ng umano’y koneksyon ng mga human rights groups sa mga hakbang para siya ay patalsikin sa pwesto. Ang mga ito, ayon sa Pangulo, ang nasa likod ng black propaganda laban sa kanya at kanyang pamilya. “Kayong mga human rights (groups). Kayong mga nagba-black propaganda pati ‘yung anak ko si Veronica 14 years old drug addict? May ipalabas ako, you just wait,” ayon kay Pangulong Duterte sa naging talumpati nito sa PDP-LABAN Cagayan…
Read More