BAGAMAN malaki ang naging epekto ng pag-alburuto ng Bulkang Taal sa Bureau of Customs (BoC), tiniyak ng mga opisyal ng Port of Ninoy Aquino International Airport na lalo pa nilang palalakasin ang kanilang koleksyon para sa taong 2020. Kaya naman sa kanilang pagpupulong, naging slogan ng BOC-NAIA ang “Start Strong Port of NAIA.” Upang maging maayos ang palakad sa nasabing tanggapan, pinangunahan ni Port of NAIA District Collector Carmelita Talusan ang orientasyon ng mga bagong personnel kabilang ang tatlong abogado at 47 security guards kung saan tinalakay at binigyang diin…
Read MoreTag: BOC
MAGANDANG UGNAYAN SA STAKEHOLDERS SUSI SA MATAAS NA KOLEKSYON
SUNOD-SUNOD ang isinagawang meeting ni Bureau of Customs (BOC) Port of Subic District Collector Maritess Martin sa mga stakeholders sa puerto sa pagpasok ng taong 2020. Sinabi ni Martin, layon ng kanyang halos linggo-linggong pakikipagpulong sa mga negosyante ay upang mas lalong mapaganda at mapatatag ang koleksyon para sa kasalukuyang taon. Kabilang sa mga nakausap n ani Martin ay sina Henry Dungca ng SBITC, Luz De Guia ng Keihin at Resty Zapanta ng Prime Global. Maging ang mga kinatawan ng iba’t ibang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na kinabibilangan nina…
Read MoreSERBISYO, KALAKALAN MAS PAGAGANDAHIN
Stakeholders binigyang importansiya ng BOC Port of Cebu (Ni BOY ANACTA) Bilang bahagi nang pagpapaganda at pagsasaayos ng kalakalan sa Bureau of Customs -Port of Cebu, nagkaroon ng pag uusap sina Acting District Collector Charlito Martin R. Mendoza at major port stakeholders nitong nakaraang Linggo. Kinausap ni Mendoza ang mga kinatawan ng Therma Visayas, Mabuhay Filcement Corporation, PhilGold Processing and Refining Corporation, Chioson Development Corporation, Kepco SPC Power Corporation at Apo Cement Corporation. Kabilang din sa mga kasama sa meeting ang mga kinatawan ng Cebu Energy Development Corporation, Taiheiyo Cement…
Read More2019 ACHIEVEMENTS NG PORT OF NAIA: RECORD BREAKING
IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs – Port of Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang kanilang ‘record breaking achievements’ noong 2019. Sa data ng BOC NAIA, maituturing na ang kanilang tanggapan ang may pinakamalaking nasabat na ilegal na droga tulad ng shabu, ecstacy, cocaine at marijuana. Maging sa mga kontrabando tulad ng kontaminadong karne, baril, bala at iba pa ay maituturing sila ang may pinakamalaking huli. Nabatid na ang BOC-NAIA ay nakasabat ng 54.4147 kilos ng Methamphetamine hydrochloride o shabu na may katumbas na halagang P370 milyon; 4,152 piraso ng ecstasy…
Read MoreMSGC MEMBERS NG BOC NANUMPA
UPANG mas lalong maging matatag Performance Governance System ng Bureau of Customs, nagkaroon ng oath taking ang mga miyembro ng Multi-Sectoral Governing Council ng nasabing tanggapan noong Disyembre 2019. Mismong si BoC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, tumatayong chairman, ang nag-officiate ng oath taking ceremonies sa mga miyembro ng MSGC na pinangunahan ni co-chairman Dr. Jesus Estanislao. Ang MSGC ay binubuo ng sectoral leaders na tumatayong kinatawan para sa isang external advisory group na magbibigay ng expert advise sa BOC upang matagumpay na maisakatuparan ang strategy road map para sa full…
Read MoreKARNE, PRUTAS NASABAT SA NAIA-BOC
(NI FROILAN MORALLOS) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang aabot sa 21.2 kilos ng karne galing sa tatlong bansa, na kinabibilangan ng China, Malaysia at Vietnam. Nakuha sa mga pasahero ang mga chicken feet sa loob ng kanilang mga bagahe na nadiskubreng walang mga import pernit. Bukod sa mga karne na-intercept din ang 8.2 kilos ng prutas at mga gulay na sinasabing galing sa bansang China . Agad naman ilinipat ang mga naturang confiscated items sa Bureau of Animal…
Read MoreKAMPANYA LABAN SA KATIWALIAN MAS PATITINDIHIN NG BOC SA 2020
(Ni JOEL O. AMONGO) MAS magiging mahigpit na ang Bureau of Customs (BOC) sa kanilang operasyon pagpasok ng taong 2020 upang matigil ang ‘graft and corruption’ sa Aduana. Ito ang ginawang paniniyak ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa kanyang mensahe noong Kapaskuhan kasabay nang pasasalamat sa kooperasyon at pakikiisa ng lahat sa taong 2019. “Dahil sa pagtutulungan ng bawat isa sa kagawaran ay naipatupad ang bagong sistema at mas napadali ang proseso sa pagkakaroon ng ngipin sa mga hakbang para matigil ang graft and corruption,” ayon kay Guerrero. “Nag-level…
Read MoreBOC NAMAHAGI NG BIYAYA
NAGSANIB puwersa ang dalawang tanggapan ng Bureau of Customs (BoC) sa pagbibigay ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Barangay Maraga-a, Kiblawan, Davao Del Sur bago ang Kapaskuhan. Nangalap ng ‘Noche Buena’ packages ang mga opisyales at tauhan ng Port of Manila at Port of Davao para may magamit sa araw ng Pasko ang biktima ng lindol na pansamantalang tumitigil sa ilang evacuation centers. Nais ng POM at POD na sa pamamagitan ng kanilang tulong ay pansamantalang maibsan ang dinadalang bigat sa dibdib ng mga residenteng nawalan…
Read MoreP141-M SHABU NASABAT SA NAIA
MULING nakaiskor ang Bureau of Customs nang masabat ang panibagong kontrabando ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P141 milyon noong Miyerkoles sa loob ng FeDex warehouse sa Pasay City. Sa report na natanggap ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero mula kay Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) District Collector Carmelita Talusan, nadiskubre ang mga pinaghihinalaang shabu na idineklarang speakers na galing sa United States of America matapos itong isailalim sa physical examination ng mga BOC personnel. Tumambad sa pinagsanib na elemento ng BOC, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga kontrabando na ilegal na droga o shabu na umaabot sa 20.8 kilos na…
Read More