(NI BETH JULIAN) INAPRUBAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Gabinete nito ang panukalang P4.1 trillion national budget para sa taong 2020. Ang proposal ay isusumite sa Kongreso para sa pagbusisi. Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 12 percent kumpara sa 2019 budget na nagkakahalaga lamang ng P3.757 trillion. Sa ilalim ng Saligang Batas ay magsasagawa ng pagdinig ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para rito at pagkatapos ay pagtutugmain ng Senado at Kamara ang kani-kanilang bersyon bago isumite sa Malacanang para sa pag aprub ni Pangulong Duterte. Kabilang sa…
Read More