(NI DANG SAMSON-GARCIA) NABULGAR sa Senado sa pagdinig hinggil sa implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang pamamayagpag pa rin ng ilang high profile convicts na nakakulong sa Building 14 ng New Bilibid Prisons (NBP) sa paggamit ng cellphones at posibleng pagpapatuloy ng kanilang iligal na aktibidad. Sa presentasyon ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, ipinakita nito ang aktibong pagpo-post sa Facebook ng isang high profile inmate na si Raymond Dominguez. Pinatotohanan ito ni Volunteers Against Crime and Corruption President Arsenio ‘Boy’ Evangelista kasabay ng pagbubulgar na nagawa pang ipag-utos…
Read More