KOREAN, CHINESE FUGITIVE SA PYRAMID SCAM IPADEDEPORT

(NI FRANCIS SORIANO) ANUMANG araw ay nakatakda nang ipadeport ng  Bureau of Immigration (BI) ang dalawang  foreigners na kinabibilangan ng Chinese at Korean matapos itong maaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng Fugitive Search Unit (FSU) dahil sa pagkakasangkot sa krimen sa kanilang bansa. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga suspek na si Huang Kun, 36, Chinese national fugitive, at Lee Byungchul, 53, Korean national. “BI will be deporting the two foreigners for undesirability and for being undocumented aliens as their passports were already cancelled by their respective governments. They can no…

Read More

PALASYO UMAMIN; PAGDAGSA NG CHINESE NAKAAALARMA

duterte china44

(NI BETH JULIAN) AMINADO ang Palasyo na nababahala na ang pamahalaan sa pagdagsa ng mga Tsino sa bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, masyado nang marami ang mga Tsino na nakapapasok sa bansa kaya kailangan nang pagtuunan ng pansin. Nauna nang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr. na isang  “security threat” ang pagdagsa ng mga Chinese workers sa Pilipinas. “We are worried kasi nga masyadong marami, may influx na magtataka ka kung paano sila nakapapasok? So hindi lang worry sa number, may worry pa kung paano sila…

Read More

PINOY PRAYORIDAD SA CHINA-FUNDED PROJECTS

chinese122

(NI BERNARD TAGUINOD) TINIYAK ng liderato ng Department of Transportation (DOTr) sa mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mga Filipino ang mga kukunin na magtatrabaho sa mga imprastraktura na popondohan ng China. Ginawa ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan ang paniniguro sa pagharap nito kasama si DOTr Secretary Arthur Tugade at iba pang transport officials, sa House oversight committee hearing sa Kamara, Lunes ng umaga. Ayon kay Batan, isa ito sa mga napagkasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China sa sideline meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese…

Read More

CHINESE NATIONAL, DINUKOT, IKINULONG; 1 ARESTADO

chinese12

(NI SIGFRED ADSUARA) PINAGHAHANAP ng Cavite police ang tatlong Chinese national matapos na  maaresto ang kabaro nila  dahil sa pagdukot at pagkulong sa isang 27-anyos na Tsino sa isang bahay sa Kawit, Cavite. Hawak  ngayon ng pulisya ang suspek  na si Teddy Lim, 45, binata, Chinese national habang pinaghahanap pa sina Andy Tan, 31 at July Lee, 36, pawang residente ng  Block 6, Lot 4 Phase 2 Bay Point Subdivision, Barangay San Sebastian, Kawit, Cavite, at isa pang hindi pa nakilalang Chinese national dahil sa reklamo ni Al Wu  Yong,…

Read More

‘MAY MANANAGOT SA PAGDAGSA NG FOREIGN WORKERS’

illegal workers

(NI NOEL ABUEL) PINAKIKILOS ni Senador Joel Villanueva ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) para kasuhan ang sinumang opisyal at tauhan nito na sangkot sa pagdagsa ng maraming dayuhang manggagawa sa bansa. Ito ang pahayag ng senador sa muling paggulong ng pagdinig ng Senate Committee on Labor kung saan iginiit nito na dapat na masampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang sinumang mapapatunayang responsable sa pagdami ng bilang ng mga foreign workers partikular ng mga Chinese nationals. “I think the Bureau of Immigration should identify…

Read More

DOLE MAGHIHIGPIT SA FOREIGN WORKERS

HIHIGPITAN na umano ng Departmmnet of Labor and Employment (DOLE) ang pagtatrabaho ng mga dayuhang manggagawa sa bansa. Sa panayam, sinabi ni Labor Secretary Silvestre bello na magsisimula na sa Pebrero 15 ang pulong sa pagitan ng mga opisyal ng Department of Finance, Justice, Bureau of Immigration para pag-usapan ang pagtatrabaho sa bansa ng mga banyaga. Idinagdag pa na kung kaya ng mga Filipino ang trabaho, hindi na kailangang ibigay pa sa mga banyaga o magbigay ng Alien Employment Permit (AEP) sa mga ito. Kung hindi makapagpapakita ng AEP ang…

Read More

‘GOBYERNO MAS PABOR SA CHINESE KAYSA PINOY’

alejano

(NI BERNARD TAGUINOD) MALABONG masolusyunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unemployment problem sa bansa dahil masyado siyang mapagbigay sa China na nangakong pauutangin siya para sa kanyang build-build-build program. Ito ang kapwa ipinahayag nina Magdalo party-list Rep. Gary Alejano at Gabriela party Rep. Emmi de Jesus kasunod na report sa South China Morning Post na patuloy ang pagbaha ng Chinese workers sa Pilipinas. Ginagawa aniya ito ni Duterte kahit mas mataas ang unemployment rate sa Pilipinas na umaabot sa 5.1%  kumpara sa China na 3.82% lang dahil nais lang nitong…

Read More

GALIT NG MGA PINOY SA CHINESE AGAPAN — SOLON

Ni BERNARD TAGUINOD Pinaagapan ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno lalo na ang Palasyo ng Malacanang, ang galit ng mga Filipino na posibleng sumabog laban sa mga Chinese nationals na nang-aagaw sa kanila ng trabaho. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang nasabing apela lalo na’t 8.9 milyong Filipino ang walang hanapbuhay ngayon dahil sa kawalan ng mapapasukang trabaho. “Baka magkaroon ng resentment o kaya’y namumuo ang galit ng mga Pinoy laban sa mga Intsik at hahantong sa mga racist actions…

Read More