(NI MAC CABREROS/PHOTO BY EDD CASTRO) AMINADO ang Department of Education (DepEd) na may kahirapang masolusyunan ang kakulangan ng silid-aralan. Gayunman, sa kabila nito, may ilang ding gusaling eskuwelahan na usad-pagong sa pagpapatayo habang ang iba ay tuluyan nang inabandona sa hindi malamang kadahilanan tulad ng sa Bagong Silangan High School sa Quezon City. Ayon kay Undersecretary Jesus Mateo, kakulangan ng espasyo o kawalan ng lupang mapagtayuan ng bagong gusali ang pangunahing dahilan ng nasabing problema. Bagama’t ganito, aniya, pinagsisikapan nila sa tulong ng local government executives na makahanap ng lupang mapagpatayuan…
Read More