(NI ABBY MENDOZA) NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang package 2+ ng Comprehensive Tax Reform Program na magtataas ng excise tax rates sa alcohol products, heated tobacco at vapor products sa bansa. Ang nasabing panukala ay niratipikahan na rin sa Senado kaya inaasahang isusumite na ito sa Malacanang para sa pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa ilalim ng panukala ang mga inuming distilled spirits ay papatawan ng ad valorem tax na 22 percent ng retail price at additional specific tax na P42 per liter sa taong 2020, P47 sa 2021, P52…
Read MoreTag: Congress
KAPOS NG P97-B; LIBRO NG MGA CASINO BUBULATLATIN
(NI BERNARD TAGUINOD) BUBULATLATIN ng House committee on games and amusement ang libro ng mga casino sa bansa matapos kapusin umano ng P97 Billion ang kinita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) noong 2018. Sa House Resolution (HR) 672 na iniakda ni House assistant majority leader Nina Taduran, ng ACT-CIS party-list, inaatasan nito ang nasabing komite na imbestigahan kung talagang P200 Billion lamang ang kinita ng Pagcor noong 2018. Ginawa ni Taduran ang nasabing resolusyon matapos lumabas na ang tinataya ng Credit Suisse, na isang investment bank, na ang kita sa…
Read MoreKOMISYON AT SURGE CHARGE NG GRAB PINABABAWASAN
(NI BERNARD TAGUINOD) PINABABAWASAN ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Grab ang komisyon ng mga ito sa kanilang mga drivers at maging ang surge charge na ipinapatong ng mga ito sa kanilang mga customers. Ayon kay PBA party-list Rep. Jericho Nograles, masyadong malaki ang kinokolektang komisyon ng Grab sa kanilang mga driver dahil umaabot ito ng 10% hanggang 20%. Nais ng mambabatas na ibaba ito ng 5% upang kumita ang Grab drivers dahil mahirap aniya ang biyahe ngayong panahon ng Pasko dahil sa lumalalang problema ng trapiko.…
Read MoreCHACHA AYAW ISUKO NG KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) AYAW isuko ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Charter Change (ChaCha) kaya umapela ang mga ito sa mga senador na “buksan ang kanilang isip” sa isinusulong na pagbabago sa Saligang Batas. Sa panayam ng mga mamamahayag kay Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, chair ng House committee on constitutional amendments, hindi aniya isara agad ng mga senador ang kanilang pintuan sa ChaCha. “I really appeal to our good senators. Instead of brushing aside our proposals for them to really study because there are four proposals which…
Read MoreKAMARA SA CHACHA: ‘WAG MANGARAP NANG GISING — DRILON
(NI NOEL ABUEL) PINAYUHAN ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga kongresista na nagpupumilit na isulong ang Charter (Chacha) na siguraduhin na mayroong return address ang mga ito. Paliwanag ni Drilon, nangangarap lamang ng gising ang mga kongresistang nasa likod ng Chacha dahil sa hindi ito prayoridad ng Senado. Idinagdag pa nito na mismong si Senate President Vicente Sotto III ang nagpahayag na walang oras ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso para sa pagsusulong ng Saligang Batas. “If the House of Representatives would insist on passing Cha-cha, make it a…
Read MorePAG-AMYENDA SA CUSTOM MODERNIZATION ACT HINILING SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) PINAAAMYENDAHAN ng isang kongresista ang Custom Modernization and Tariff Act (CMTA) upang magkaroon ng mandatory inspection sa mga cargo sa mga containers bago umalis sa kanilang port of origin. Sa pagdinig ng House committee on ways and means na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Salceda, iginiit ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na kailangang amyendahan ang Section 440 ng CMTA dahil ito ang isa sa mga nakikita nitong dahilan kung bakit patuloy ang smuggling activities. “Smuggling continues unabated and as a result, hundreds of billions of pesos…
Read MoreDUTERTE SUPORTADO SA ANTI-VAPE CAMPAIGN SA KAMARA
(NI BERNARD TAGUINOD) SUPORTADO Suportado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang anti-vape campaign dahil mapanganib umano ang bisyong ito sa kalusugan ng mga tao. Ito ang napag-alaman kay House Speaker Allan Peter Cayetano kasunod ng kautusan ni Duterte na ipagbawal ang pag-angkat ng vape product at paggamit nito sa mga pampublikong lugar. “We will support the President kasi anything that is a danger to health. Having said that, anything that’s a danger to health, dapat pumasok ang gobyerno,” ani Cayetano. “We don’t want people to get…
Read MoreHOUSE EMPLOYEES TATANGGAP NG BIGAS
(NI BERNARD TAGUINOD) MAMIMIGAY na rin ng bigas ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kanilang mga empleyado upang matulungan ang mga magsasaka sa bansa na naapektuhan ng rice tariffication law. Ito ang nabatid kay House Speaker Alan Peter Cayetano kasunod ng mga ulat na mamimigay na ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ng bigas sa kanilang mga empleyado. “Yes, we’re already studying that,” ani Cayetano. “I just don’t know the details now kung part of our rice allowance sa House ay pwede or kung part of the bonuses…
Read MorePORK BARREL SA KAMARA GAGAMITING PONDO SA 3 GOV’T PROJECTS
(NI NOEL ABUEL) MAY magagamit nang pondo para sa implementasyon ng National ID, Universal Health Care at Quality Tertiary Education sa 2020. Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson kung saan kabilang sa umano’y maaaring pagkuhanan ng pondo ng tatlong maituturing na ‘landmark’ na programa ng kasalukuyang administrasyon ang pork barrel at mga duplicative projects na isiningit ng ilang kongresista sa P4.1 trillion national budget. “The National ID system needs at least P5.565 billion in 2020 to cover the registration of some 14 million Filipinos and resident aliens. But the…
Read More