TEACHER NAGPANOOD NG PORN SA STUDENTS; DEPED KIKILOS

deped2

(NI KIKO CUETO) INIIMBESTIGAHAN ng Department of Education (DepEd) sa Iloilo ang isang insidente na umano’y nagpalabas ng isang pornographic video ang isang guro sa kanyang Grade 10 students. Ayon sa report, bahagi ito ng sex education. Ang population growth at unwanted teenage pregnancy ang siyang karaniwang tinatalakay sa sex education bukod sa maaring mga sakit na makukuha ditto. Pero ang isang guro sa isang national high school sa Ajuy town, Iloilo ay nagpakita ng pornographic video. Kinumpirma naman ito ng mga estudyante na present nang ito ay ipalabas. Nakarating…

Read More

K-12 PROGRAM REREBISAHIN SA SENADO

(NI DANG SAMSON-GARCIA) SUSURIIN ng joint congressional oversight committee ang implementasyon ng K-12 program ng gobyerno upang matukoy kung nakakasunod ito sa layunin na maka-develop ng mga competitive na Pinoy at maaga silang maihanda sa pagsabak sa trabaho. Ayon kay Senador Win Gatchalian, rerebisahin nila sa Enero ang implementasyon ng programa upang matiyak na naibibigay nito ang lahat ng pangangailangan ng mga estudyante at pribadong sektor. “The K-12 program is a massive historical educational reform we introduced to produce quality of graduates that our country needs. While the program has…

Read More

P3.3-B HALAGA NG NAPINSALANG ISKUL SA LINDOL — DEPED

deped25

(NI KEVIN COLLANTES) INIULAT nitong Martes ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng Department of Education (DepEd) na mahigit 1,000 paaralan na ang iniulat na napinsala ng magkakasunod na malalakas na lindol sa Mindanao noong Oktubre. Batay sa pinakahuling datos ng DepEd-DRRMS, tinatayang aabutin ng P3.3 bilyon ang halaga ng mga may 1,047 na paaralan na napinsala ng lindol. Nabatid na ang Soccsksargen region umano ang nakapagtala ng may pinakamaraming pinsala na umabot sa 670 schools, na sinundan naman ng Davao region na may 274 paaralan, Northern Mindanao na may…

Read More

PONDO NG DEPED, CHED, DOH NANGUNA SA P4.1-T NAT’L BUDGET

(NI NOEL ABUEL) MALAKING pondo ang inilaan ng Senate finance committee sa mga ahensya ng pamahalaan sa edukasyon, at kalusugan. Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng nasabing komite kung saan kasama sa binigyan ng malaking pondo ang Commission on Higher Education (CHED) para sa Student Financial Assistance Program na nasa P8.5 bilyon. Kahalintulad ding halaga ang idinagdag sa susunod na taon sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act. Dinagdagan din ang pondo para sa state universities and colleges (SUCs) at sa UP System na nasa P116 milyon.…

Read More

BALIK-ESKUWELA NG ESTUDYANTE SA MINDANAO INAAYOS NA NG DEPED

deped2

(NI KEVIN COLLANTES) TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na prayoridad nilang mapapasok na muli sa eskwela ang milyun-milyong mag-aaral na naapektuhan ng sunud-sunod na malalakas na lindol sa Mindanao nitong Oktubre. Isa anila ang pagpapatupad ng shifting schedules at shortened school hours sa pinag-aaralan nila upang makabalik na sa eskwela ang mga estudyante. Batay sa pagtaya ng DepEd, naapektuhan ng lindol ang pag-aaral ng may kabuuang 3.6 milyong estudyante sa rehiyon at halos kalahati umano ng mga ito ay suspendido pa rin ang klase hanggang ngayon. Ayon kay Education Undersecretary…

Read More

DEPED KINALAMPAG SA MASAMANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na kumilos at ituro ang responsableng paggamit ng social media bilang bahagi ng pangangalaga sa kalusugan ng isip o mental health ng mag-aaral. Nababahala ang senador sa pagtaas ng bilang ng kaso  ng depresyon at anxiety sa mga kabataan dahil sa pagkakaugnay ng social media at internet. Sa panayam, itinuro ni Dr. Cornelio Banaag, Jr. ng Medical City, ang kakulangan sa tulog bilang epekto ng lubos na paggamit ng smartphone. Paliwanag ng doktor, madaling magkaroon ng anxiety at depresyon…

Read More

VIRAL VIDEO NG MGA ATLETA SA TRUCK IIMBESTIGAHAN NG DEPED

deped1

(NI KIKO CUETO) IIMBESTIGAHAN na ng Department of Education (DEPED)ang mga larawan na nag-viral sa social media, kung saan makikita ang mga atleta na estudyante na isinakay at ibinyahe sa isang truck na nakatayo at may grills pa sa Palawan. Dadalo ang mga kabataan sa isang district meet. Nag-viral ang post ni James Factor na kuha umano noong Nobyembre 3. Doon makikitang walang bubong, nakatayo, at siksikan sa isang trak ang mga batang atleta na karamihan ay mga babae. Galing sa bayan ng Rizal ang mga manlalaro na patungo sa…

Read More

DAGDAG-PONDO SA DEPED SA NASIRANG SCHOOL SA LINDOL

deped65

(NI DANG SAMSON-GARCIA) LALONG napinsala ang pondo ng Department of Education (DepEd) para sa pagpapatayo ng mga school building bunsod ng pananalasa ng lindol sa Southern Mindanao. Ito ang binigyang-diin ni Senador Ralph Recto kasabay ng pagsusulong na bigyan ng dagdag na pondo ang DepEd para sa pagsasaayos ng mga paaralan makaraang maiulat na nasa 500 silid-aralan at 700 school buildings ang nawasak. Sinabi ni Recto na hindi dapat maging manhid ang Kongreso sa trahedya na nagsisilbing banta sa pag-aaral ng milyong kabataan. Binigyang-diin ng senador na may responsibilidad ang…

Read More

P1.6-B KAILANGAN NG DEPED SA NAWASAK NA SCHOOLS

(NI KEVIN COLLANTES) AABOT sa mahigit P1.6 bilyon ang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) para sa gagawin nilang pagpapalit ng daan-daang silid-aralan na napinsala ng serye ng malalakas na paglindol sa Mindanao nitong Oktubre. Ayon kay DepEd Undersecretary at spokesperson Nepomuceno Malaluan, may 500 silid-aralan ang winasak ng tatlong malalakas na lindol na yumanig sa rehiyon noong Oktubre, habang may 700 classrooms pa ang matindi namang napinsala. Sinabi ng opisyal na inaasahan na rin nilang madaragdagan pa ang naturang halaga ng pinsala dahil sa nagpapatuloy pa ang isinasagawa nilang…

Read More