(NI MAC CABREROS) BAGAMA’T tumataas ang participation rate at bumababa ang dropout rate, nabahala ang Department of Education (DepEd) sa maagang pagbubuntis ng mga estudyante. Sa panayam ng media, sinabi Education Secretary Leonor Magtolis Briones, na problema sa pamilya at maagang pakagmulat sa environment ng makabagong teknolohiya ang ilan sa natukoy nilang ugat ng teenage pregnancy sa mga estudyante. Aniya, ito (problema sa pamilya at teenage pregnancy) ang una sa dahilan ng pagtigil sa pag-aaral ng mga istudyante kasunod ang kakulangan o kawalan ng interes na mag-aral habang pumapangatlong dahilan ang kahirapan. “Now, poverty is not the…
Read MoreTag: deped
‘DEPED ‘DI BANAL SA KATIWALIAN’
(NI MAC CABREROS) HINDI exempted sa katiwalian ang Department of Education (DepEd). Inamin ito mismo ng isang opisyal nito sa panayam ng Saksi Ngayon. “We cannot say it is corruption free. Kaya nga tutok ang ating kalihim para maiwasan ito,” pahayag opisyal na tumangging magpatukoy. Naunang nasilip ng Commission on Audit na abot sa P13 bilyon ang hindi maipaliwanag na magarbong paggastos gaya ng pagsasagawa ng seminar at training sa mamahaling resort at hotel. Pinagsisikapan naman ngayon ng DepEd na kalkalin ang mga dokumento bilang patunay na walang katiwalian sa…
Read MoreBILYONES NA NABUKING SA DEPED DEDEPENSAHAN
(NI MAC CABREROS) DOBLE aksiyon ang Department of Education (DepEd) para maipaliwanag at maidepensa sa Commission on Audit (COA) sa nasilip na maluhong pamumuhay ng mga ito. “The Department is already working with its internal and regional units to comply with the audit recommendations,” diin ng DepEd sa statement. “Some of the findings are due to late updating of consolidated reports and reconciliation of voluminous records with implementing units,” dugtong sa statement. Tila batang mag-aaral na kinastigo ng COA ang DepEd sa natuklasan at hindi maipaliwanag na paggastos gaya ng…
Read MoreDEPED AAKSIYON SA P136-M NAKAIMBAK NA LIBRO
(NI KIKO CUETO) NANGAKO ang Department of Education (DepEd) na muli nitong bubusisiin ang kanilang panuntunan, pagdating sa procurement ng mga school materials. Ito ay kasunod na rin ng pagbubunyag ng Commission on Audit (COA) sa kanilang report, na aabot sa mahigit P136 milyong halaga ng mga instructional materials ang nasasayang, nakaimbak at hindi nagagamit sa warehouses. Sinasabing ito ay buffer stock para sa taong 2014-2017. Sinabi sa report na sa 4 milyong textbooks at teacher manuals, nakapagpamigay lang ang DepEd ng 652, 842 na kopya. Nahati ito sa 230,…
Read More5 GURO SA SEA TRAGEDY AAYUDAHAN NG DEPED
(NI KEVIN COLLANTES) NAGLULUKSA ngayon ang Department of Education (DepEd) dahil sa pagkamatay ng limang guro mula sa Western Visayas Region, na nakabilang sa paglubog ng tatlong motorboat sa Iloilo-Guimaras Strait nitong Agosto 4. Ayon sa DepEd, labis nilang ikinalulungkot ang nangyari sa mga guro at nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima. Tiniyak rin naman ng DepEd na pagkakalooban ng kaukulang tulong ang mga biktima at kanilang mga kaanak. “Finally, the Department expresses its wholehearted commitment and calls on its field offices, partners, and stakeholders to ensure…
Read MoreBALASAHAN SA DEPED SUPORTADO
(NI MAC CABREROS) SUPORTADO ng National Employees Union ng Department of Education (DepEd-NEU) ang plano ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na balasahin ang Schools Division Superintendent (SDS), Assistant Regional Director (ARD), Regional Director (RD) at iba pang third level positions dito. Ayon Atty. Domingo Alidon, pangulo ng DepEd-NEU, dapat kada tatlo o limang taon ay binabalasa ang mga opisyal upang maiwasan ang pang-aabuso sa kapangyarihan at korapsyon. “There’s a saying that: too much familiarity in the office might result to corruption,” pahayag Alidon. Hinihikayat din ng grupo si Briones na…
Read MoreKABATAAN TUTURUANG MAG-NEGOSYO
(NI MAC CABREROS) LILINANGIN ng ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang mga kabataan para maging negosyante pagdating ng panahon. Binuo na ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para itaguyod ang Republic Act No. 10679 o Youth Entrepreneurship Act. Partikular na tagapagtaguyod ang Bureau of Curriculum Development ng DepEd kung saan iangkla ang entrepreneurship sa Senior High School. “We believe that entrepreneurship changes the way we…
Read MoreTEACHERS’ COALITION KAY DU30: NUMBERS PLEASE
(NI MAC CABREROS) HINDI lubos na nagalak ang mga guro sa nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na SONA na pagkakalooban ng umento ang mga ito kabilang ang iba pang empleyado ng gobyerno. “ Magkano naman kaya ang umentong ito?” tanong ng Teachers’ Dignity Coalition. Binanggit ng grupo ang pahiwatig ng Pangulo na “hindi ito kalakihan pero mas mataas nang kaunti sa nakalipas.” Binigyan-diin pa ng TDC na malamang ang tinutukoy ng Punong Ehekutibo ay ang dagdag-sahod na aayon sa Salary Standardization Law na noon pang 1989 ipinatupad.…
Read MoreDEPED NAGLULUKSA SA 11 PUPILS NA NAMATAY SA AKSIDENTE
(NI MAC CABREROS) NAGPAABOT ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa pamilya ng 11 katao karamihan ay mga batang estudyante sa aksidente sa Boljoon, Cebu nitong Biyernes. “We extend our sincerest condolonces to the bereaved families,” ayon sa DepEd sa statement. Sa ulat, galing sa Nangka Elementary School at San Antonio Integreated Elementary Schools ang mga estudyante, magulang at dalawang guro patungo sa pagdiriwang ng ‘Health Week’ ng nasabing bayan nang maaksidente ang kanilang sinakyang dump truck at nahulog sa bangin. Ang truck ay hiniram lamang ng mga guro…
Read More