(NI BERNARD TAGUINOD) UPANG maihanda ang mga tao, lalo na ang mga kabataan sa kalamidad, isasama na sa curriculum ng Department of Education (DepEd) ang Disaster Awareness and Disaster Mitigation. Ito ang nakapaloob sa House Bill 8044 na iniakda ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na nakabimbin ngayon sa House committee on basic education na pinamumunuan ni Rep. Ramon Durano VI. Sa sandaling maging batas ang nasabing panukala, magkakaroon ng hiwalay na subject ang mga elementary at high school students para ipamulat sa kanila ang mga kalamidad na nangyayari sa…
Read MoreTag: earthquake
BATASAN BUILDING MATAPOS ANG LINDOL: SAFE AND SOUND
(NI BERNARD TAGUINOD) IDINEKLARANG ligtas ang lahat ng gusali sa Batasan Pambansa Complex matapos ang masususing inspeksyon kasunod ng 6.1 magnitude na lindol noong Lunes sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon. Ito ang pagtitiyak ng Office of the House Speaker nitong Miyerkoles kaya ligtas umanong gamitin ang lahat ng mga gusali sa loob ng Batasan Complex. Noong Martes o isang araw matapos ang lindol ay agad na inatasan ni House acting Secretary General Dante Roberto Maling ang House Engineering and Physical Facilities Bureau, kasama ang Legislative Security Bureau, na magsagawa ng structural viability assessment sa…
Read MorePAGBUKAS NG CLARK INT’L AIRPORT INAASAHAN
(NI KIKO CUETO) TARGET ng Clark International Airport na mabuksan na ng Miyerkules — kung lalabas sa kanilang assessment na maari naman na matuloy ang kanilang operasyon — kahit may bahagyang sira sa istruktura sa paliparan. Sinabi naman ni Transport Secretary Arthur Tugade na magbubukas ang airport at pinakamatagal na ang Huwebes. Ayon sa paunang report sinabi ni airport CEO Jaime Melo, na ang tower ay “operational and sustained no substantial damage.” Lumabas din na ang runway at taxi way ay “sound.” Gayunman, aminado silang may “big damage” sa check-in counters…
Read MoreDUTERTE BUMISITA SA PORAC; LAWAK NG PINSALA INALAM
BINISITA ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes ang Pampanga at personal na ininspeksiyon ang bayan ng Porac na lubhang naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol noong Lunes ng hapon. Kasama ng Pangulo si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tubong Pampanga. Sentro ng pagyanig ang Castillejos, Zambales may 100 kilometro ang layo sa northwest ng Manila, subalit lubhang apektado ang Pampanga dahil malambot umano ang lupa nito, ayon kay Phivolcs chief Renato Solidum. Matapos ang inspeksiyon ay binisita rin ng Pangulo ang Pampanga Provincial Capitol sa San Fernando para kausapin ang…
Read More10 PAARALAN NASIRA NG LINDOL
(NI KEVIN COLLANTES/PHOTO BY JHAY JALBUNA) MAY 10 paaralan na ang natukoy ng Department of Education (DepEd) na naapektuhan at nasira, nang yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon nitong Lunes ng hapon. Ito ay batay sa situational reports na inilabas ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng DepEd, hanggang 9:30 ng umaga nitong Martes. Ayon sa DepEd, kabilang sa mga paaralan na natukoy na nagtamo ng infrastructure damages ay ang (1) Laukan National High School (Main), sa Bataan; (2) Mabalacat Elementary School, Mabalacat…
Read MoreINSPEKSIYON SA MGA PAARALAN INIUTOS NG DEPED
(NI KEVIN COLLANTES) IPINAG-UTOS ni Education Secretary Leonor Briones ang pag-iinspeksiyon sa lahat ng mga paaralan at mga pasilidad ng departamento na tinamaan ng 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes ng hapon. Ang kautusan ay ginawa ni Briones sa pamamagitan ng isang memorandum na kaagad nitong inisyu matapos yanigin ng lindol ang ilang bahagi ng Luzon dakong 5:11 ng hapon. Sa naturang memorandum, inatasan ng kalihim ang mga prinsipal, school heads at mga in-charge ng mga paaralan, na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa lahat ng school buildings at facilities bago…
Read More