(NI CHRISTIAN DALE) MALAKI ang posibilidad na magkaroon ng food crisis kapag ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang implementasyon ng Rice Tariffication Law. Iginiit ng Punong Ehekutibo na kapag ipinawalang bisa niya ang batas ay posibleng magresulta ito ng food crisis. Nauna nang humingi ng paumanhin ang Pangulo sa mga lokal na magsasaka dahil sa pagbulusok ng presyo ng palay. Sa kabilang dako, nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na hindi nila maaaring ihinto agad ang importasyon ng bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law. Ito ang tugon ng…
Read More